^

Punto Mo

Tropa ni Atong Ang, nagkahiwalay na!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NAGKAWATAK-WATAK na ang tropa ni gambling lord Charlie “Atong” Ang. Lalayas na sa bakuran ni Boss Atong sina Art Atayde at Joseph Lumbad, ang IT expert na nasa likod ng pagpatakbo ng e-sabong sa ilalim ng World Pitmaster Cup. Nais nina Atayde at Lumbad na magsarili naman at subukan ang negosyong hindi makikialam sa kanila si Boss Atong.

Sana nagkahiwalay nang maayos itong grupo ni Boss Atong para tahimik silang mamalakad ng kani-kanilang negosyo. ‘Ika nga, dumaan sila sa maBOTEng usapan. Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Ang tropa nina Atayde at Lumbad ay makikipagsapalaran sa palaro na karera ng kabayo na ang feed ay galing sa India, anang mga kosa ko. Tulad ng e-sabong, may mga itatayo itong mga betting stations sa buong Pinas. Kaya’t magiging karibal ito ng local na karera ng kabayo na pinatatakbo ng mga negosyanteng Pinoy. Mismooooo!

At tulad ng e-sabong, online ang tayaan. Tsk tsk tsk!  Sino kaya ang partner nilang opisyal ng gobyerno? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

May magbubukas ding palaro na kung tawagin ay pula’t-puti fruit game. May permit na ito sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at malinis naman ang mga dokumento nito. Kaya lang malakas ang Marites na ang nasa likod ng palaro na ito ay si Boss Atong. Araguuyyyyy!

Ang mechanics nito ay para ring e-sabong kaya’t siguro nadamay ang pangalan ni Boss Atong. Ang apektado sa palaro na pula’t puti fruit games ay ang color games sa mga peryahan. Araguuyyyyy! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Katulad ng e-sabong, may offtrack betting station din itong pula’t puti fruit game. Kung sa e-sabong, nahihirapan ang Philippine National Police (PNP) na paghuhulihin ito dahil ididismis lang sa piskalya ang kaso dahil sa walang bet money. Get’s n’yo mga kosa?

Kaya ang bagong palaro na karera ng kabayo at pula’t puti fruit game ay makakadagdag sa sakit ng ulo ng PNP. Maliban lang sa mga kaututan dilang opisyal nina Atong, Art at Lumbad. Dipugaaaaa!

Sa totoo lang, minabuti nina Art at Lumbad na magsarili dahil mainit na si Boss Atong dahil sa kaso ng 34 missing sabungeros na dinukot sa mga sabungan niya. Ang kagandahan lang, wala pang direct evidence ang PNP na sangkot si Boss Atong sa mga kaso. ‘Ika nga, ayaw nina Atayde at Lumbad na madamay pa sila.

Sa isang miting, tahasang sinabi ng dalawa na hihiwalay sila kahit hindi pa nila batid kung magtatagumpay ang palarong karera ng kabayo sa India. “Masama ba ang mag-try?” ‘yan daw ang katagang binitiwan ni Atayde kay Boss Atong, ayon sa mga kosa ko. Tsk tsk tsk! Kung sabagay, samdamukal na ang pera nina Atayde at Lumbad kaya kayang-kaya na nilang tumayo sa sarile nilang paa. Mismooooo!

Matatandaan na nag-isyu ni President Bongbong Marcos ng Executive Order 9 para mapatigil ang e-sabong dahil sa kaso ng 34 missing sabungeros. Dapat isama ni BBM sa EO9 ang karera ng kabayo sa India at pula’t puti fruit game dahil parehas lang itong magpapahirap sa mga Pinoy, hindi lang sa bansa kundi maging ang mga OFW sa abroad. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Dapat gumawa na ng batas ang Kongreso para habulin ang bagong palaro, para hindi magiging inutil ang PNP sa paghabol nito tulad ng e-sabong. Abangan!

vuukle comment

ATONG ANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with