^

Punto Mo

Paranormal facts (Part II)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Hindi lahat ng multo na narito sa lupa ay mga kaluluwang hindi makatawid sa kabilang buhay. Ang iba ay talagang mas pinili nilang manatili sa mundo ng mga buhay. O, yung iba ay hindi nila alam na patay na sila.

l Sa Greece, tinatakpan nila ang lahat ng mirror sa bahay kapag may namatay dahil baka mapagkamalan nilang iyon ang liwanag patungo sa kabilang buhay. Kapag nagkamali silang pumasok sa mirror, makukulong sila doon ng mahabang panahon.

l Ang pelikulang Nightmare on Elm Street ay base sa tunay na pangyayari. May isang batang lalaki na nagsumbong sa kanyang magulang na may lalaking nanghahabol sa kanya sa panaginip. Kaya ang bata ay natatakot nang matulog. Hindi ito masyadong pinansin ng mga magulang. Hindi nakaya ng bata na manatiling gising kaya siya ay nakatulog. Kinaumagahan, namatay sa bangungot ang bata. May nakitang malalalalim na hiwa sa tiyan ng bata.

l Minsan sa iyong panaginip ay nakakakita ka ng multo, tapos bigla kang magigising na takot na takot. Iisipin mong iyon ay isang masamang panaginip. Ayon sa mga paranormal experts, ang nakita mong multo sa panaginip ay totoong espiritu na nakikipagkomunikasyon sa iyo ngunit ni-reject mo ang pakikipagkomunikasyon niya dahil sa takot. Kaya kadalasan ang nakakatakot na panaginip ay laging bitin at walang ending.

l Kapag hindi na nagpaparamdam o nagpapakita kahit man lang sa panaginip ang inyong pumanaw na mahal sa buhay, sila ay kuntento na at nanahimik sa kabilang buhay.

l Ayon sa paranormal investigators, ang multo ay hindi natin makikita nang nakamulat ang mata maliban lang kung ikaw ay may third eye. Sa gabi sila nakikita dahil tayo ay nakapikit at natutulog. Yun akala natin ay nananaginip lang tayo ay depensa  ng ating utak para hindi tayo sobrang magimbal at mamatay sa takot. Pero ang katotohanan naroon sila sa ating kuwarto.

 

FACTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with