^

Punto Mo

Gagamba na ang kagat ay nagpapatigas ng ari, nakawala sa isang supermarket sa Austria!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PANANDALIANG ipinasara ang isang supermarket sa Austria matapos may nakawalang gagamba roon na kayang magbigay ng ilang oras na paninigas ng ari!

Isang makamandag na gagamba ang naging sanhi ng takot at pagkataranta ng mga customer at staff ng Penny Market sa bayan ng Krems an der Donau matapos itong matagpuan sa isang kahon ng mga saging.

Ayon sa branch manager, binubuksan niya ang mga kahon ng saging para ilagay na ang mga ito sa mga shelves nang may makita siya sa loob nito na isang malaking gagamba.  Kulay itim at pula ang gagamba at may laking 10 centimeters.

Agad siyang tumawag sa emergency hotline para humi­ngi ng tulong. Dahil naghintay pa ng ilang minuto bago makarating ang fire department, nakagapang na palayo at nakapagtago na ang gagamba.

Ang buong akala ng mga rescuers ay isa lamang pang­­karaniwang gagamba ang kanilang huhu­lihin pero nang malaman nila na isang Brazilian wandering spider ang naka­wala, nagpasya sila na ipasara na ang buong supermarket.

Ang Brazilian wandering spider o kilala rin sa tawag na Banana spider ay gagamba na matatagpuan sa mga bansa sa South America tulad ng Brazil, Colombia, Venezuela, at Paraguay.

Ang isa sa side effect ng kagat nito ay masakit na paninigas ng ari na tumatagal ng 4 na oras. Dahil sa kaka­ibang dulot ng kagat nito, ginagamit ang mga naturang gagamba sa pagsasaliksik ng mga pharmaceutical companies na gumagawa ng gamot tulad ng Viagra. Bukod sa painful erection, nagdudulot din ang kagat nito ng pagtaas ng presyon, heart rate, panlalabo ng paningin at kombulsyon.

Sa kasalukuyan, hindi pa nahuhuli ang gagamba sa tatlong araw na pag-shutdown sa buong branch. Ngunit ipi­nangako ng management ng Penny Market na nagsagawa na sila ng comprehensive cleaning and disinfection at itinapon nila ang lahat ng mga fresh produce na maaaring nakontamina ng gagamba.

SPIDER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with