^

Punto Mo

Lalaki na pinigil ang paghatsing,nagkaroon ng butas sa lalamunan!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa United Kingdom ang naospital matapos pigilan niya ang kanyang paghatsing at naging sanhi ito para magkaroon ng butas ang lalamunan!

Sa isang report na nilathala ng British Medical Journal noong 2017, inilahad dito ang medical case tungkol sa pasyenteng si Wanding Yang, 34, na isinugod sa emergency room dahil nagbago ang boses nito matapos humatsing.

Ayon kay Yang, nakaranas siya ng mga sintomas sa kanyang leeg matapos niyang pisilin ang ilong at isara nang mahigpit ang bibig para pigilan ang paghatsing.

Pagkatapos nito, ang mga sintomas na kanyang naramdaman ay: masakit na paglunok, pagbabago sa kanyang boses, paglagutok at pamamaga ng leeg.

Nang isinailalim siya sa X-ray exam, nakita ng mga doktor na may nagbara na hangin sa kanyang throat tissue. Dahil sa hangin na na-trap sa kanyang lalamunan, nagkaroon siya ng ruptured throat.

Ayon sa isa sa mga doktor na umasikaso kay Yang, sinabi nito sa report na maliit lamang ang rupture sa lalamunan ng pasyente kaya hindi nito kailangang sumailalim sa operasyon.

Matapos ang dalawang buwan na gamutan, naka-recover si Yang sa pamamagitan ng feeding tube at pag-inom ng antibiotics.

Ayon sa doktor na nagsulat ng report, takpan ng panyo o tissue ang ilong at bibig tuwing hahatsing pero huwag na huwag itong pipigilan.

THROAT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with