Mga magsasaka sa Japan, nakaimbento ng prutas na kombinasyon ng lemon at melon!
ISANG grupo ng mga magsasaka sa Hokkaido, Japan ang nakagawa ng bagong uri ng prutas na kasing tamis ng melon ngunit may kaunting asim ng lemon!
Ayon sa horticulture company na Suntory Flowers, limang taon nilang pinag-aralan at pinag-eksperimentuhan ang pinakabagong prutas na kanilang inimbento, ang “Lemon Melon”.
Sa panayam sa spokesperson ng naturang kompanya, ang Lemon Melon ay nagmula sa isang variety ng imported melon. Sa pamamagitan ng paghalo ng lemon at mabusising experiment sa cultivation methods at harvesting time nito, nabuo nila ang pinakabagong prutas na ito. Ngayong 2023 ang pinakaunang pagkakataon na ibebenta ito sa publiko.
Sa mga supermarket sa Hokkaido, nagkakahalaga ito ng 3,218 Yen (katumbas ng P1,200) ang isang piraso ng Lemon Melon. Ayon sa mga nakatikim na nito, kasing lutong ng peras kapag bagong harvest ito. Balanse ang tamis at asim nito at bagay na bagay ngayong summer season sa Japan. Kapag hinog na hinog naman ito, kasing lambot nito ang pangkaraniwang melon. Mas nangingibabaw ang tamis nito at bahagya na lang ang asim.
Mahigit 3,800 Lemon Melon ang inaasahang maibebenta sa mga supermarket sa Sapporo sa darating na Agosto.
- Latest