^

Punto Mo

Pamahiin ng mga sikat

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Brad Pitt: Nagsusuot ng kuwintas na may pendant ng ngipin ng pating. Ang paniwala niya, inililigtas siya nito sa anumang panganib.

2. Serena Williams: Ang nangungunang player sa tennis ay nagsusuot muna ng shower sandals ilang oras bago simulan ang laban. Oras na isinuot niya ang kanyang sapatos, dino-double check niya ang kanyang shoelaces. Pinatatalbog niya muna ng 5 beses ang bola bago ito i-serve.

3. Heidi Klum; Ang sexy actress ng Hollywood ay may iniingatang baby teeth sa kanyang bag. Bitbit niya ang kanyang baby teeth saan man magpunta.

4. Star Jones: Naging co-host ng morning TV talk show na “View”. Nagigipit siya sa pera kapag ipinapatong niya ang kanyang wallet sa kung saan-saan lang. Dapat ay itago ito sa bag or drawer.

5. Queen Elizabeth I: May sinusuwelduhan siyang magician upang tumulong sa kanya sa pagdedesisyon sa war plans o anumang problema ng bansa. Ang magician ay hindi lang nagpe-perform ng magic kundi nagsisilbi rin psychic. May magic stone itong ginagamit na sinasabing naka-displey ngayon sa British National Museum.

6. Napoleon Bonaparte: May kinokonsulta siyang clairvoyant, si Madame Normand, bago sumabak sa giyera. Naniniwala rin siya na ang kanyang panaginip ay may katapat na interpretasyon. Minsan, bago siya sumabak sa giyera, nanaginip siya ng black cat. Sa hindi malamang dahilan ay hindi siya kumunsulta kay Madame Normand bago umalis patungo sa pakikipaglaban. Natalo sila sa giyera na tinawag na Battle of Waterloo.

Itutuloy

vuukle comment

BRAD PITT

BRITISH NATIONAL MUSEUM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with