Flight 401
ISANG malakas na pagsabog noong 11:00 p.m. ng Disyembre 1972 ang gumulat sa mga natutulog na residente ng Everglade Florida. Eroplanong galing sa JFK airport at magla-landing sana sa Miami airport ang minalas na bumagsak sa malalim na latian ng Everglade.
Kinabukasan, nalaman ng mga tao na ang bumagsak ay Eastern Airlines Flight 401, isang Tri-Star jetliner. Mga 101 pasahero ang namatay kasama ang dalawang piloto na sina Bob Loft at Don Repo.
Kapag ang eroplano ay basta lang bumagsak ngunit hindi nasunog, kinukuha ang working parts nito at ikinakabit sa ibang eroplano. Ang eroplanong kinabitan ng na-salvage na parts ng 401 ay tawagin nating EA Flight 501. Pagkatapos ikabit ang working parts, nagsimula nang makakita ng kung anu-anong multo ang crew ng 501.
May pagkakataong habang nililinis ng crew ang 501, magkakaroon ng apparition sa eroplano ng eksenang puno ito ng pasahero. Ang mga pilotong sina Loft at Repo ay makikita nilang nakikipagkuwentuhan pa sa ibang pasahero. Ang apparition ay tatagal ng ilang segundo at pagkatapos ay mawawalang parang bula.
Minsan, binigyan pa ng babala ni Loft ang isang piloto na magkakaroon ng sunog sa eroplano habang lumilipad ito. Pagkaraan ng isang oras, nagkaroon ng engine fire. Dahil nabigyan ng babala ng multo, naagapan kaagad ito at nagkaroon sila ng emergency landing. Napag-alaman na ang nasunog na engine ay bahagi ng na-salvage na parts ng 401.
Officially, walang ibinibigay na comment ang kompanya. Tahimik lang sila tungkol dito. Baka matakot ang pasahero na sumakay sa kanila. May bulung-bulungan na pati ang company vice president ay nakaranas na multuhin sa opisina nito.
- Latest