Manang Rose (1)
Rosalia ang kanyang pangalan pero nakaugalian na ni Gino at ng iba pa na tawaging Manang Rose. Mahigit 50-anyos na si Manang Rose at dalaga pa. Wala na yatang balak mag-asawa.
Si Manang Rose ay kapatid na bunso ng kanyang ina. Nang mamatay ang kanyang ina noong siya ay limang taong gulang si Manang Rose na ang nagpalaki sa kanya. Ang kanyang tatay ay nag-asawang muli. Mula noon ay sa bahay na ni Manang Rose nakatira si Gino. Nakamana ng bahay at lupa si Manang Rose at dito sila nakatira.
Pero bukod sa kanya, mayroon pang ibang “ampon” si Manang Rose na pawang sa bahay nito nakatira. Noong una ay dalawa lamang sila ni Neil na “ampon” ni Manang Rose. Si Neil ay anak ng kapibahay namin na namatay din ang ina.
Ang akala naming ni Neil ay kaming dalawa lamang ang magiging ampon pero hindi pala.
Nadagdagan ng dalawa pa—sina Mike at June. Si Mike ay anak ng labandera ni Manang Rose samantalang si June ay anak ng kasamahan sa trabaho ni Manang Rose.
Makalipas lamang ang isang buwan, nadagdagan pa ang “ampon” ni Manang Rose at sa pagkakataong iyon ay isang babae naman ang “ampon” niya na ang pangalan ay Lut.
Masaya kaming lima. Nagbibiruan. Magkakasundo. Lagi kasing payo sa amin ni Manang Rose na huwag kaming mag-aaway. Iwasan daw ang magkaroon ng hinanakitan.
Akala naming lima, wala nang madadagdag. Meron pa pala.
Isang araw ng Linggo, may kasama siyang magandang dalagita.
“Mga anak ipinakikilala ko sa inyo si Eliz.’’
Isa-isang pinakilala ni Manang Rose si Eliz sa mga apat ampon.
Titig na titig si Gino kay Eliz.
“O Gino, anong masasabi mo kay Eliz?’’
“Maganda siya Manang Rose!’’
Nagtawanan sina Neil, Mike at June. Si Lut ay nakatingin lang.
“Salamat, Gino,” sabi ni Eliz.
Ikinuwento ni Manang Rose na si Eliz ay anak ng kapitbahay namin. Nasunugan daw kaya hiniling ng ina nito na sa bahay muna ni Manang Rose patirahin.
“Tanggapin n’yo si Eliz na miyembro ng pamilya. Huwag kayong mag-aaway.’’
Naging magkaibigan silang anim. Pero pinakamalapit si Gino kay Eliz.
(Itutuloy)
- Latest