^

Punto Mo

Bata na nahuling nagpupuyat sa mobile games, pinaglaro nang walang tigil bilang parusa!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG ama sa Shenzhen, China ang binabatikos ngayon ng Chinese netizens matapos nitong i-post sa social media ang video ng pagpaparusa niya sa kanyang anak na nahuli niyang nagpupuyat sa pag­lalaro ng mobile games.

Makikita sa video na nahuli ng hindi pinanga­lanang ama ang kanyang anak na gising pa ng 1:00 a.m. at naglalaro ng mobile games. May pasok pa sa umaga ang kan­yang anak sa school pero bilang parusa, sinabihan niya ito na umabsent muna at maglaro na lang ng mobile games buong araw.

Nagustuhan ng bata ang binigay na pa­rusa sa kanya ngunit pagsapit ng alas siyete ng umaga, nakaramdam na ito ng pagkaantok. Nang matutulog na ang bata, pini­gilan siya ng kanyang ama at pinagpatuloy ang pag­lalaro ng games. Umabsent na rin ang ama sa kanyang trabaho para tutukan ang pag­lalaro ng anak.

Umabot hanggang 6:30 p.m. ang pag­lalaro ng bata pero hindi na nito nakayanan ang ma­higit 17 hours na paglalaro kaya nagmakaawa na itong pagpa­hingahin na siya at nangako na lilimitahan na niya ang mobile games.

Gumawa ng kontrobersiya ang kuwentong ito sa Chinese netizens at marami sa mga nakapanood nito ang nagbantang ire-report ang ama sa mga kinau­u­kulan dahil sa tingin nila ay isa itong child abuse.

Sa kasalukuyan, binura na ang video at nagbigay ng pahayag ang ama na hindi niya nirerekomenda sa ibang magulang ang ginawa niyang pagdidisiplina sa anak.

vuukle comment

MOBILE GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with