^

Punto Mo

Mga hindi nabigyan ng bonus, may habol ba?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nag-resign ako nitong February. Nabalitaan ko na nitong nakaraang linggo lang ay namigay ng bonus ang dati kong kompanya para sa naging performance ng mga empleyado noong 2022. Nakuha ko na ang final pay ko pero may habol ba ako sa bonus na ibinigay? Buong 2022 naman ay empleyado ako ng kompanya kaya naisip ko ay dapat kasama ako sa makatanggap ng performance bonus. —Michael

Dear Michael,

Kung nakumpirma mo na sa dati mong kompanya na hindi ka nga kasama sa mga makakatanggap ng performance bonus ay malabong makuha mo ito.

Ang pagbibigay kasi ng bonus ay kabilang sa mga tina­tawag na management prerogative o yung mga aspeto ng negosyo kung saan malayang makakapagpasya ang employer upang masigurado niya ang kapakanan ng kanyang negosyo.

Dahil isang management prerogative ang pagbibigay ng bonus, hindi ito obligasyon ng employer puwera na lamang kung (1) bahagi ang pagbibigay ng bonus ng isang kasunduan sa pagitan ng mga empleyado at ng kompanya katulad ng employment contract o collective bargaining agreement; (2) ma­tagal nang practice o nakaugalian ang pagbibigay ng bonus; at (3) maituturing na bahagi ng sahod ng empleyado ang bonus.

Kung hindi angkop ang mga nabanggit sa sitwasyon mo ay malabong may habol ka sa bonus na ipinamigay ng dati mong employer. Hindi dapat ituring na obligasyon ng employer ang pagbibigay ng bonus lalo pa sa sitwasyon mo ngayon na hindi ka na nila empleyado.

BONUS

STORY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with