^

Punto Mo

Senior citizen, nakapagtala ng world record matapos mag-push up ng 3,264 beses sa loob lamang ng 1 oras!

KAGILA GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang 60-anyos na lalaki sa Florida, U.S.A. ang nahigitan ang kasalukuyang Guinness World Record title nang makumpleto niya ang 3,264 na push-ups sa loob ng 1 oras.

Noong nakaraang Marso 5, isinagawa ni Rod Stirling ang world record attempt para sa titulong “Most push-ups in 1 hour (male)”. Naganap ito sa Powerhouse Gym Athletic Club sa Tampa, Florida at dinaluhan ito ng Guinness adjudicator at FOX news para idokumento sa video ang event.

Naisipan ni Stirling na agawin ng Guinness World Record title na ito nang malaman niya na ang current record holder nito na si Daniel Scali ay mayroong 3,182 push-ups.

Malaki ang kumpiyansa ni Stirling na kaya niyang higitan ang record na ito dahil nakapagtala na siya ng 3,200 push-ups noong siya’y dumalo ng isang fitness conference sa Miami.

Natapos ang world record attempt ni Stirling sa bilang na 3,264 push-ups. Ayon kay Stirling, isinumite na niya ang video ng kanyang push-ups sa Guinness organization para ma-verify at mabigyan na siya ng certificate.

Habang hinihintay ang kumpirmasyon ng Guinness, nagbabalak na si Stirling na makapagtala ng isa pang world record title at ito naman ay ang “Most push-ups in 1 minute”.

vuukle comment

FOX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with