^

Punto Mo

Puwede bang hindi muna bayaran ng holiday pay ang mga empleyado?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May tindahan po ako na wala pang 10 empleyado. Kamakailan ko lang nalaman na hindi ko pala kailangang magbayad ng holiday pay sa mga tauhan ko dahil nga iilan lang naman sila. Ilang taon na po akong nagbabayad ng holiday pay ngunit ngayon ko lang nalaman na exempted naman pala ang negosyo ko. Puwede ko bang hindi muna sila bayaran ng holiday pay sa mga darating na holidays at saka ko na lang uli ibalik ang pagbabayad ng holiday pay kapag nakabawi na ang negosyo ko? —Elmer

Dear Elmer,

Bagama’t tama na exempted sana ang negosyo mo sa pagbabayad ng holiday pay dahil wala pa sa 10 ang iyong mga empleyado, hindi mo naman basta-basta mababawi ang pagbibigay na ito kung matagal mo na itong practice o nakagawian bilang isang employer.

Base kasi sa tinatawag na “non-diminution rule” o ang pagbabawal sa mga employer na ipagkait sa mga empleyado ang mga benepisyong matagal na nilang natatanggap, masasabing polisiya o “company practice” mo na bilang employer ang pagbabayad ng holiday pay kaya hindi mo na maaring bawiin ang benepisyong ito kahit pa hindi naman talaga ito obligasyon sa iyong mga empleyado.

Hindi mo rin maaring idahilan na hindi mo alam ang batas o kaya’y nagkaroon ka lamang ng maling interpretasyon nito kaya ka nagbabayad ng holiday pay. Ang ganyang kasing dahilan ay maari lamang gamitin patungkol sa mga probisyon ng batas na talagang mahirap intindihin at may duda sa kanilang interpretasyon o ibig sabihin (Central Azucarera De Tarlac v. Central Azucarera De Tarlac Labor Union-NLU, G.R. No. 188949, July 26, 2010).

Hindi naman mahirap intindihin ang sinasabi ng batas ukol sa exemption sa pagbabayad ng holiday pay para sa mga establisiyementong hindi hihigit sa sampu ang empleyado at hindi rin katanggap-tanggap na dahilan ang kawalan ng kaalaman ukol dito. Dahil diyan, maaring sabihin na company practice na ang pagbabayad mo ng holiday pay na hindi na maaring basta-basta bawiin sa iyong mga tauhan. Maari kang maharap sa reklamo mula sa iyong mga empleyado kung sakaling bigla mong bawiin ang nakagawiang pagbabayad mo sa kanila ng holiday pay.

vuukle comment

HOLIDAY PAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with