Pinakamahabang tren sa mundo, matatagpuan sa Switzerland!
ISANG Swiss railway company ang nakapagtala ng bagong Guinness World Record dahil sa passenger train nila na may haba na mahigit 1 milya!
Inanunsyo kamakailan ng Guinness World Records association na ang railway company na Rhaetian Railway ang nakatanggap ng titulong “Longest Narrow Gauge Passenger Train in the World”.
Ang nasabing tren ay may habang 6,253 foot. Binubuo ito ng 100 bagon na Capricon railcars na gawa ng Swiss train manufacturer na Stadler.
Upang ipagkaloob ng Guinness ang world record title, kailangang maglakbay ito sa UNESCO World Heritage route mula Albula Tunnel sa Preda hanggang Lanwasser Viaduct malapit sa Filisur.
May haba na 15 miles ang ruta. Sakay ng tren ang ilang Guinness World Record adjudicators and representatives.
Matapos ang isang oras na biyahe, matagumpay na natapos ng tren ang record breaking attempt at sa huling istasyon ay ibinigay ng Guinness ang certificate sa Rhaetian Railway company.
- Latest