^

Punto Mo

Ginger (183)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

SI Anton ang dumating. Puro pasa ang mukha nito na halatang pinahirapan. May mga bakas ng tali ang dalawang kamay. May mga sira ang damit nito.

Ginising nito ang asawa.

‘‘Ginger! Ginger! Gumising ka Ginger!’’

Nagmulat si Ginger. Parang nananaginip siya. Si Anton ba ang kaharap niya o imahinasyon lang?

‘‘Ginger ako si Anton. Ako ang asawa mo!’’

Saka lamang naunawaan ni Ginger ang lahat. Hindi ito panaginip. Totoo na nasa harap niya si Anton.

Niyakap siya ni Anton.

Umiyak si Ginger.

‘‘Mabuti at ligtas ka Ginger? Ang akala ko, napahamak ka na sa mga lalaking lumusob dito.’’

Tumango lamang si Ginger at patuloy sa pag-iyak.

‘‘Ligtas na tayo. Patay na ang apat na lalaki. Nahulog sila sa bangin. Nagkalasug-lasog ang katawan. May mga pulis nang dumating,’’

Nag-iisip si Ginger.

‘‘May tumulong ba sa iyo Ginger kaya nagtakbuhan ang mga lalaki ?’’

Napamulagat si Ginger.

(Itutuloy)

vuukle comment

GINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with