^

Punto Mo

Mayor Lacuna, ­sumasabay na kay Isko sa PR campaign!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Sumasabay na si Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan sa propaganda at maaring may kalalagyan ang mahigpit n’yang katunggali na si ex-Mayor Isko Moreno. Ang tinutukoy ko mga kosa ay ang pagbukas ni Mayor Honey ng kanyang account sa social media para ibando ang mga accomplishments n’ya. Dati-rati kasi, ang mga pagpupulong at pag-iikot lang ni Isko ang makikita sa social media kaya’t naungusan n’ya si Mayor Lacuna sa mga random surveys. Subalit dahil may sariling account na si Mayora, makakahabol na s’ya kay Isko sa propaganda, kung saan naiwan s’ya, hindi naman ng milya-milya. Eh di wow! Dahil nagsimula na ang PR campaign ni Mayor Lacuna, ibig bang sabihin malalapit na ang puso at kaisipan ng mga botante sa kanya? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hehehe! Kung sabagay, may troll farm na din si Mayor Lacuna!

Sa kanyang account, ipinagmalaki ni Mayor Lacuna ang paggawad ng Department of Interior and Local Government ng award na Seal of Good Local Governance local level sa Maynila. First time itong nakamit ng Maynila at siyempre happy si Mayor Lacuna dahil nangyari ito sa liderato n’ya. Wow galeng! Iginawad ng DILG ang pagkilala sa Maynila dahil sa tamang pangangasiwa at paggamit ng pondo; kahandaan sa mga sakuna; pangangalaga ng kalikasan; kahusayan sa tungkulin para sa business sector; pananatili ng kapayapaan at kaayusan ng komunidad, at pagi­ging sensitibo sa pangangailangan ng mga senior citizens, persons with disabilities, kababaihan, kabataan at indigenous people. Sarap naman! Mismooooo!

Sa kanyang nakaraang State of the City Address, ibinunyag ni Mayor Lacuna na nagbabayad ang lungsod ng Maynila ng mahigit P2.3 bilyon sa aabot sa P17 bilyong minana n’yang utang. Medyo pasaring ito kay Isko, na dating close n’ya, di ba mga kosa? Subalit hindi dapat sisihin ni Mayora si Isko lang dahil sa panahon ng umutang ang huli s’ya ang vice mayor at dumaan sa balagtasan sa City Council ang naturang adhikain. Get’s n’yo mga kosa? Pagdating naman sa pangangalaga sa vulnerable sector, mayroong ibinibigay na buwanang allowance ang lungsod para sa mga seniors, solo parents, PWDs at hinahanapan sila ng oportunidad na makapagtrabaho. Libre din ang mga serbisyong medikal sa Maynila dahil ultimo mga laboratory procedures, tulad ng x-ray at ultrasound, mayroon na at libre ito sa mga lokal na health center. Dipugaaaaa!

Si Mayor Lacuna at Vice Mayor Yul Siervo ay nag-iikot na din sa Maynila at ginagaya ang gawain ni Isko. Ewan ko lang kung dinudumog din sila ng mga miron tulad ni Isko? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Si Isko kasi kaya dinudumog mga kosa ay nagtatapon ito ng pitsa, si Mayor Honey kaya? Mukhang paramihan ng pitsa na ang kalalabasan sa pag-aagawan ng trono ng Maynila sa 2025 midterm elections? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Ano pa nga ba? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa City Council naman, hayagan na ang awayan ng kampo nina Mayor Lacuna at Isko at ang magandang basehan ay ang maingay na iringan ng mga alipores nina patungkol sa P25 bilyon ng Maynila sa darating na taon. Kinuwestiyon ni Konsi Joel Villanueva ng 4th District, ang madaliang pagpasa ng budget kahit hindi ito dumaan sa committee hearings. Baka gagamitin ang pitsa sa election? Abangan!

HONEY LACUNA-PANGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with