^

Punto Mo

Gen. Sermonia, legal ba ang color games at drop ball?

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

KUMARIPAS ng takbo ang mga mananaya sa color games at drop ball sa carnival ni alyas Noime sa Cavite City noong Linggo nang makita ang dumarating na mga pulis. Kaya lang PRO4-A police director Brig. Gen. Tateng Nartatez Sir, hindi naman pinahinto ng mga pulis ang pasugalan kundi sinabihan lang si Noime na ‘wag patayain ang mga bata. Abaaaaa may moral values din pala si Noime, ‘no mga kosa? Maya-maya, nagdatingan ang mga tanod ni Cavite City Mayor Denver Chua at itinaboy ang mga bata. Hanggang ngayon, tuloy ang color games at drop ball sa carnival ni Noime dahil iginigiit ni City administrator Abraham Urubio na legal ito.

Pinagtawanan ng mga kosa ko sa Camp Crame ang tinuran ni Urubio. Ang tanong nila kay Urubio, “Kelan pa naging legal ang color games at drop ball?” Si Urubio ay kapitan sa PNP bago magretiro at sumama sa kampo ni Chua. Sa tingin ng mga kosa ko, panay admin ang assignment ni Urubio kaya puro papel ang hawak niya. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Kung naging operatiba lang si Urubio, sana kasama siya palagi sa raid sa mga color games at drop ball. Eh di wow! 

Sa kanyang post sa social media, kinausap pala ni Urubio ang kakilalang piskal at abogado na nagsasabing hindi kasama sa ipinagbabawal ng Presidential Decree No. 1602 ang mga pa­larong perya. Sinabi pa ng sources niya, na kung hindi ipinagbawal ng batas ang isang gawa, ito ay legal. Eh di wow!

Ang tanong, bakit hinuli ng mga pulis ang pito katao sa raid sa carnival Lunes ng nakaraang linggo? Hindi lang ‘yan! Bakit nagsara ang color games at drop ball sa peryahan ni Noime nang batikusin ito ng Dipuga? At higit sa lahat, kung legal ang mga palaro na ito, bakit nagbibigay ng lingguhang payola ang mga peryahan sa mga pulis? Anong sey mo Sgt. Jun Chan, ang bayaw ni ex-Speaker Lord Velasco Sir? Hehehe!

Ayon kay Urubio, kung ang mga kagawad ng pulisya ay manghuhuli ng color games at drop ball, ito ay upang umiwas sa mga walang basehan at mapanirang artikulo na tumutuligsa sa isang lehitimong operasyon ng perya. Sa ilang dekada ko nang pagkober ng PNP, ngayon ko lang narinig na legal ang color games at drop ball.  Baka ang kinausap ni Urubio na piskal at abogado ay tambay sa Quiapo church. O dili kaya’y graduate sa kolehiyo sa Avenida? Dipugaaaaa! Ask ko si PNP OIC Lt. Gen. Rhodel Sermonia, legal ba o hindi ang color games at drop ball? Eh di wow! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa ngayon, inaalam ni Urubio kung malisyoso o hindi ang pagbabatikos sa pasugal sa peryahan ni Noime. Ang kung kasinungalingan lamang ito ay maaring magsampa sila ng kasong kriminal. Hehehe! Make my day! Ipinalangin ni Urubio na huwag naman sana na ang dahilan ay ang modus ng ilang mamamahayag na AC/DC (attack & collect, defend & collect). Dipugaaaaa! 

Teka nga pala! Bakit panay depensa ng mga bataan ni Chua sa pasugalan sa perya ni Noime? Mismooooo! Magkano...este anyare Mayor Chua Sir? Abangan!

RHODEL SERMONIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with