^

Punto Mo

Teenager sa Canada, nakatanggap ng guinness record dahil sa bilis nito sa pagsusuot nang maraming medyas!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 14-anyos na babae sa Calgary, Alberta, Canada ang nakasungkit ng Guinness World record title na “Most socks out on one foot in 30 seconds (Under 16’s)” matapos maisuot niya ang 22 medyas sa loob lamang ng 30 segundo!

Natuklasan ni Carolena Kruse ang talento niya sa mabilisang pagsusuot ng medyas habang nagpapahinga sa locker room ng sinalihan niyang swimming competition.

Noong Mayo 2022, una niyang sinubukan na masungkit ang titulo ngunit napantayan lamang niya ang previous record holder na si Aarif Ibn Abdul Halim sa bilang na 19 na medyas.

Hindi nakuntento si Kruse na kapantay lamang niya ang kasalukuyang title holder kaya nag-ensayo pa siya sa mabilisang pagsusuot ng medyas.

Sa ikalawa niyang attempt nitong Setyembre 2022, nagtagumpay siya na malampasan ang previous record at nakapagsuot siya ng 22 medyas sa loob ng 30 segundo.

Nang matanggap na si Kruse ang official certificate mula sa Guinness, ang susunod niyang goal ay makuha ang Guinness record sa adult category nang mabilisang pagsusuot ng medyas. Ang kasalukuyang rekord nito ay 28 medyas sa loob ng 30 minuto.

SOCKS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with