^

Punto Mo

Babae sa Thailand na na-lock ang sarili sa banyo ng 3 araw, naka-survive sa pag-inom ng tubig sa gripo!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa Bangkok, Thailand ang aksidenteng na-lock ang sarili sa banyo ng kanyang bahay sa loob ng tatlong araw!

Naninirahang mag-isa ang hindi pinangalanang 54-anyos na babae sa kanyang apartment sa Bangkok, Thailand. Noong Agosto 22, 2022, gumamit ng banyo ang babae at noon nagsimula ang tatlong araw na pagkakakulong niya rito. Matagal nang defective ang doorknob ng kanyang banyo pero dahil nag-iisa at hindi marunong magpalit ng doorknob, hindi niya ito naisipang ayusin.

Sinubukan ng babae na humingi ng saklolo pero wala ni isa kanyang mga kapitbahay ang nakakarinig sa kanyang mga sigaw at paghampas ng pintuan. Sa loob ng ilang araw na pagkakakulong sa banyo, naka-survive siya sa pag-inom ng tubig mula sa gripo.

Sa ikatlong araw niya sa banyo, nawalan na ng pag-asa ang babae na makakalabas pa siya at nagsulat na ito ng farewell message sa dingding na tiles ng banyo gamit ang kanyang skincare products.

Buti na lamang, napansin ng kanyang nakababatang kapatid sa probinsiya na ilang araw na itong hindi sumasagot sa mga text at tawag. Nag-alala na ito at humingi ng tulong sa Bangkok Police. Pumunta ang mga pulis sa bahay ng babae at nagulat sila na nakulong ito sa banyo.

Dahil ilang araw na hindi nakakakain, sobrang nanghihina ang babae at agad itong dinala sa ospital. Mabilis na naka-recover ang babae at nakalabas na siya ng ospital.

vuukle comment

LOCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with