^

Punto Mo

Nakasosorpresang kaalaman tungkol sa ‘tulog’ (Last part)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Si William Dement, ang nagtatag ng Stanford University’s Sleep Research Center. Pagkaraan ng 50 taon pagsasaliksik kung bakit ang mga tao ay natutulog, isang simpleng kasagutan lang ang kanyang nabuo: Natutulog tayo dahil kailangan nating idaos ang nararamdamang antok.

• Kaya naaaksidente ang mga drayber na kulang sa tulog ay dahil nararanasan nila ang “microsleep” episode. Nawawalan sila ng malay habang nagmamaneho sa isang iglap o mga 30 seconds. Ang akala ay gising sila habang nasa microsleep episode.

• Ang fatal familial insomnia ay isang neurodegenerative disease na nagreresulta ng hindi makatulog ang pasyente. Nakakaranas muna sila na walang tulog sa loob ng 6 hanggang 9 na buwan. Kasunod nito ay pagkakaroon ng dementia, hanggang hindi na makausap at ang nakalulungkot ay tuluyan nang mamamatay ang pasyente.

• Ang amoy ng kape ay nakakabawas ng stress na dulot ng kakulangan sa tulog at nakaka-stress na sitwasyon.

• May kakaibang sleeping disorder na ang tawag ay Kleine–Levin syndrome. Ang pasyente ay nakakatulog ng diretsong ilang linggo na gigising lang para pumunta sa bathroom at kumain.

STANFORD UNIVERSITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with