^

Punto Mo

Three wheeler, ban sa national roads

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

NAGTATAKA ako sa ilang LGUs hindi lang sa mga probinsiya kundi maging sa Metro Manila dahil imbes na itama ang mali ang mali pa ang gustong itama. Bakit kamo?

Maraming miyembro ng traffic enforcement ang nagbubulag-bulagan dahil pinababayaan na lamang ng mga ito na ang mga tricycles at pedicabs ay dumaan sa mga major roads lalo na sa mga probinsiya.

Alam naman ng mga traffic enforcers na may DILG Memorandum Circular No. 2020-036 na inuutusan ang mga malalandi este mali alkalde ng bayan at city sa Philippines my Philippines na strick policy ng mga tricycle at pedicab ban sa national roads at gumawa ng tricycle route plan na maaring daanan ng mga ito.

Sandamakmak nang batas ang ginawa para ipagbawal ang pagdaan ng mga tricycle, pedicabs at e-bike na dumaan sa national roads pero ito ay binabalewala lamang.

Sa ilang probinsiya malaking abala ang mga tricycle, pedicabs at e-bike sa pagdaan sa national roads lalo’t karamihang dumadaan dito ay mga mabibilis at malalaking bus at trak na puwedeng maaksidente ang mga driver at pasahero. Dapat nang ipatupad ang batas dito dahil hindi ito biro.

Abangan.

• • • • • •

Ang paghuli sa environmental defender

Ang napakatinding pagtaas ng bilang ng mga pag-atake laban sa mga tagapagtanggol ng kapaligiran ay nagmarka ng dulo ng administrasyong Duterte kahit na ang mga nakaraang pag-atake noong 2020 ay naging ang Pilipinas sa pinaka-delikadong bansa sa Asia para sa mga aktibistang pangkalikasan.

Sa dalawang buwan pagkatapos ng halalan noong Mayo, sinusubaybayan ng mga environmentalist group ang anim na bagong pag-atake, nangunguna sa listahan ang pag-aresto kay Daisy Macapanpan, isang senior citizen environmental activist na aktibong nangampanya laban sa hydropower plant project. Ang multi-bilyong proyekto ay itatayo sa Mt. Inumpog, sa kabundukan ng Sierra Madre na sakop ng Pakil, Laguna. Ang biodiverse area ay mayroon ding mga mapagkukunan ng tubig na dumadaloy mula sa Dakil river ecosystem, kabilang ang Sirena Falls.

Noong Hunyo 11, 2022, inaresto ng Special Action Force si Macapanpan. Abangan. 

TRUCK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with