^

Punto Mo

‘Walis’ (Part 3)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa
This content was originally published by Pang-masa following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

UNA akong nakatikim ng hampas ng walis tingting mula kay Tiya Clems noong nasa first year high school ako. Ang dahilan: nasunog ang sinaing. Bigla kong naiwang nang hindi sinasadya ang sinaing dahil tumakbo ako sa likod ng bahay para kunin ang mga sinampay na damit. Bigla kasing umulan. Marami akong sinampay kaya natagalan ako sa pagkuha ng mga iyon.

Nang bumalik ako sa kitchen, nasusunog na ang sinaing!

Naamouy ni Tiya Clems ang nasusunod na kanin kaya nagmamadaling nagtungo sa kitchen.

Naabutan niya ako sa tabi ng kaldero.

Ano raw ang nangyari at nasunog ang sinaing?

Sinabi ko ang dahilan na nagtungo ako sa likod bahay para kunin ang mga sinampay na damit.

Masasakit na salita ang natanggap ko. Halos hindi makain ang mga sinabi niya. Napakatanga ko raw!

Nag-sorry ako at nangakong hindi na uulit.

Pero sagad ang galit ni Tiya Clems.

Dinampot ang walis tingting na nasa sulok at maraming beses na hinampas sa akin.

Tinamaan ako sa mukha, braso at likod!

Kahit nagmamakaawa ako, patuloy pa rin si Tiya Clems sa paghampas ng walis! (Itutuloy)

BROOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with