Mahigit 1,000 koleksyon ng mga preserved extinct animals, natuklasan sa Spain!
KINUMPISKA ng mga Spanish police ang mahigit 1,000 piraso ng mga taxidermy animals o mga prineserbang bangkay ng mga hayop.
Ayon sa mga awtoridad, nagkakahalaga ang koleksyon na ito ng $32 million. Karamihan kasi sa mga ito ay specimen ng mga endangered animals at ang ilan pa rito ay totally extinct animals o mga hayop na hindi na matatagpuan kahit saan.
Naganap ang raid sa isang malaking warehouse sa bayan ng Betera sa Eastern Spain.
Nagmistulang museo at zoo ang 50,000 square meter warehouse dahil sa dami ng mga preserved animals na umabot ang bilang sa 1,090. Ilan sa mga ito ay mga elepante, white rhino, cheetah, leopard, lion, crocodile, tiger, polar bear at scimitar orix, isang hayop na idineklarang “extinct in the wild” noong taong 2000. Bukod dito, may natagpuan din na 198 piraso ng elephant tusk, ilang bangko na gawa sa paa ng elepante at upuan na may balat ng crocodile.
Napag-alaman ng mga awtoridad na ang nagmamay-ari ng private collection na ito ay isang prominenteng businessman mula sa Valencia, Spain. Ayon dito, minana lamang niya ang mga ito mula sa kanyang ama.
Sa kasalukuyan, iniimbestigahan kung may nilabag na environmental crimes at smuggling ang businessman.
- Latest