3-anyos na bata sa Texas, himalang nakaligtas matapos mawala ng 4 na araw sa kagubatan
ISANG tatlong taong gulang na batang lalaki sa Texas na apat na araw nang nawawala sa kagubatan ang natagpuang ligtas.
Ayon sa mga awtoridad, nakikipaglaro si Christopher Ramirez sa alagang aso ng kanilang kapitbahay nang sundan nito ang hayop papunta sa kalapit na kakahuyan.
Nakabalik ang aso sa kanilang kapitbahay ngunit hindi nito kasama ang bata
Agad na hinanap ng kanyang pamilya si Christopher subalit hindi ito matagpuan sa kakahuyan. Wala rin si-
lang makitang anumang bakas ng bata.
Ipinasya ng mga magulang na humingi na ng tulong sa sheriff ng kanilang lugar.
Magdamag na sinuyod ng volunteers at ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, kabilang na ang Federal Bureau of Investigation (FBI), ang kakahuyan kung saan nagpunta si Christopher ngunit bigo silang makita ito.
Makalipas ang apat na araw, natagpuan ang bata. Isang residente ang nagreport sa mga awtoridad na may namataan siyang batang palabuy-laboy sa kakahuyan na malapit sa highway.
Kahit nagutom at na-dehydrate ng apat na araw, himalang nasa maayos na kalagayan ang bata. Nagbiro tuloy ang sheriff ng lugar na si Don Sowell na pang-Navy SEALs daw si Christopher dahil nalampasan daw nito ang karaniwang pagsubok na ibinibigay sa mga gustong pumasok sa nasabing sangay ng military.
- Latest