Ang bunga ng pagiging mabait na ina
MAHIRAP lang ang kanyang mga magulang pero mababait naman ito sa kanilang mga anak. Bata pa ay mahilig nang maglaro ng football si Cristiano. Palibhasa ay naninirahan sa pangmahirap na lugar, ang nagsisilbi niyang playground ay kalsadang aspalto na baku-bako.
Madalas masugatan ang kanyang tuhod kapag naglalaro dahil nadadapa siya sa mabato at uka-ukang kalye. Uuwi siya sa bahay na maluha-luha sa nadaramang hapdi ng sugatang tuhod.
Matatawang lilinisin ng kanyang ina ang sugat, lalagyan ng gamot at saka tatakpan ng gasa. Kapag sinusuwerte at nasa mood ang kanyang ina, ang sugat na may benda ay hahalikan pa nito sabay sabing, “Hayan gagaling na ‘yan mamaya”. Ilang araw pa bago matuyo ang sugat ngunit ang hapdi ng sugat ay agad nawawala pagkatapos halikan ng ina.
Ang eksenang iyon ang hindi makalimutan ni Cristiano Ronaldo na tila laging humahaplos sa kanyang puso. Si Cristiano Ronaldo dos Santos Aveiro na ipinanganak noong Peb. 5, 1985, ay isang Portuguese professional footballer. Siya ang captain ng Portugal national team. Kinikilala siyang “best player in the world and widely regarded as one of the greatest players of all time”.
Lumaki siya sa mapagmahal na pamilya kaya hindi kataka-taka na maging matulungin ito nang lumuwag ang pamumuhay. Hindi lang siya kilala sa pagiging mahusay na footballer kundi isang pilantropo.
Ang pagiging matulungin niya ang nagdala sa kanya para maging ambassador ng three major charities – Save the Children, Unicef and World Vision. Ang malaking halaga na natatanggap niyang bonus sa paglalaro noong 2014 at 2016 na 450,000 pounds ay ibinigay niya lahat sa tatlong charities na nabanggit. Ang 89,000 pounds na bonus niya noong 2013 ay ibinigay naman niya sa Red Cross.
Noong Marso, Abril, Mayo at Hunyo, 2020, habang nasa kalagitnaan ng corona virus pandemic, nag-volunteer siya na bawasan ang kanyang suweldo. Ang cut na nagkakahalaga ng more or less 3.8 million pounds ay ibinigay niya sa mga ospital sa Portugal.
Ang healing power of kindness na naranasan ni Cristiano sa ina ay nagbunga ng pagiging maawain at matulunging Kristiyano.
- Latest