Silang may pusong bato
KUWENTO ng isang chaplain ng bilangguan, ang mga presong laging nagpapasimula ng kaguluhan sa loob ng bilangguan at sakit ng ulo ng jail management ay ‘yung hindi naaantig ang damdamin sa salitang “ina”, “nanay” o “mama”. May mga preso kasi na saglit lang na maalala ang kanilang ina ay nagiging emosyonal.
May humahagulgol pa kapag pinagkuwento mo sila nang tungkol sa kanilang mahal na ina.
Bugbog ang laging natatanggap ni Adolf Hitler sa kanyang amang si Alois tuwing may nagagawa siyang pagkakamali. Kung anong istrikto ng ama kay Adolf ay siya namang pagkabait-bait ng kanyang inang si Klara.
Dala marahil ng bayolenteng paraan ng pagdisiplina kay Adolf, siya ay lumaking matigas ang kalooban hanggang sa nakilalang isang malupit na diktador ng Germany. Sa kanya nanggaling ang kautusang pagpapatayin ang lahat ng Jews o kahit sinong kababayan na sumasalungat sa prinsipyo ng kanyang partidong Nazi.
Ngunit may sikreto si Adolf Hitler. May malambot pa rin palang bahagi sa kanyang pusong bato. Laging nakatago ang larawan ng kanyang ina sa wallet nito. Sinasabing ang larawan ng kanyang inang si Klara ay nanatiling nakadispley sa wallet hanggang sa ito ay nagpakamatay dulot ng pagkatalo sa giyera.
“A mother’s arms are more comforting than anyone else’s.” – Princess Diana
- Latest