^

Punto Mo

Hindi nadaraan sa madalian!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Marami ang nagulantang sa pangyayaring pagkamatay sa loob ng isang hotel sa Makati ng  flight attendant na si Christine Dacera matapos itong maki-party sa may 11 niyang kaibigan.

Tatlo ang pinigil ng Makati City police na noong Lunes ay agad na sinampahan ng kasong rape with homicide sa pagkasawi ni Dacera.

Naging basehan sa kaso ang sinasabing mga pasa sa katawan ng stewardess, maging ang kuha ng CCTV sa hallway ng City Garden Hotel sa Makati. Lumitaw din umano base sa medico legal report na isinumite ng Makati City police na may ‘laceration’  ang biktima na pinagbasehan nila sa kasong rape.

Dahil dito, sumabog ang netizen, nag-umapaw ang matinding galit sa nangyari kay Christine, habang ang mga sinasabing ‘suspect’ niyang mga kaibigan ay todo tanggi naman sa naturang akusasyon.

Ilang araw pa ang lumipas , nagpapalitan na ang paglalabas ng mga ‘ebidensya’ lalo na sa social media ng magkabilang panig.

Lumutang din ang ulat, tungkol sa cause of death ni Christine sinasabing ‘due to ruptured aortic aneurysm’.

Kamakalawa nga, iniutos ng Makati City Prosecutor’s Office ang pagpapalaya sa tatlo sa 11 suspect na nasa kustodya ng pulisya.

Hindi nakumbinsi ang piskalya sa isinumiteng ebidensya na magdidiin sa mga ito.

Humihingi din ang prosekusyon ng karagdagang ebidensya kabilang ang DNA nalysis report, toxicology/ chemical analysis at histopath na lubhang mahalaga sa pagsasampa ng kaso.

Sa ngayon umano hindi pa sapat ang mga prinisintang ebidensya para ma-establish na  ni-rape o sexually assaulted ang biktima.

Nahahati na ngayon ang opinsyon ng piubliko sa kaso.

Ang naging puna lang nga dito mukhang nagmadali sa paghaharap ng kaso ang pulisya kahit hindi pa tangan ang mga matitibay na ebidensya.

At baka nga  mabasura na lang ang kaso dahil sa kakulangan ng suportang conclusive evidence.

Bago pa man ito, mukhang sa pamunuan pa lang ng PNP, hindi na nagkakasundo sa kanilang pahayag sa pangyayari.

Si PNP chief Debold Sinas, ‘case closed’ na dahil sa naiharap na ang kasong rape with homicide kahit nga ang walo sa mga ito eh hindi nalutang. Habang si NCRPO director Brig. Gen. Vicente Danao naman ay nagsabing ‘premature’ ang paghaharap ng kaso sa 11 sinasabing suspects.

Dapat pa nga marahil nang mas malalim pang imbestigasyon na may kalakip na matibay na ebidensya at kung meron pa nga sana testigo na magsasalita.

Ito ay para  mabatid kung may naganap na krimen.

Kung positibo mabibigyan ng karampatang hustisya si Christine sa pangyayari, at kung wala naman, makalaya rin sa pananagutan ang kanyang mga kaibigan.

Tamang maghinay-hinay muna hanggang sa matumbok ang tunay na pangyayari.

MAKATI CITY POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with