^

Punto Mo

EDITORYAL - Lumubog ang Cagayan dahil sa illegal logging

Pang-masa
EDITORYAL - Lumubog ang Cagayan dahil sa illegal logging

TALAMAK ang illegal logging sa Cagayan kaya lumubog sa baha ang probinsiya noong Nobyembre 12. Kalbung-kalbo na ang mga bundok sa nabanggit na probinsiya kaya naman nang bumuhos ang ulan na hatid ng Bagyong Ulysses, walang anumang rumagasa sa mga bayan at sa isang iglap, pawang mga bubong na lamang ng bahay ang nakita. Wala nang pumipigil sa tubig kaya naman walang patid ang agos. Hindi katulad noon na marami pang kahoy sa kabundukan ng Cagayan. Ayon sa report, pati ang paligid ng Magat Dam ay wala na ring mga punongkahoy. Inubos na ng illegal loggers.

At bukod sa illegal na pagpuputol ng mga puno, laganap din sa Cagayan at maski sa Isabela ang black sand mining at illegal quarrying. Kung walang magi-ging aksiyon ang pamahalaan partikuar ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagtampalasan sa mga kagubatan sa Cagayan at Isabela, mauulit ang pagbaha at baka mas malala pa.

Nagsasagawa ng pag-iimbestiga ang House of Representatives sa nangyaring pagbaha sa Cagayan at Isabela subalit tanging nakapokus sa pagpapa-kawala umano ng tubig ng Magat Dam ang dahilan kaya nagbaha. Hindi nauungkat ang tungkol sa illegal logging, pagmimina ng itim na buhangin at quarrying. Laging sinisisi ang pamunuan ng Magat Dam. Sabi ng pamunuan ng Magat Dam, hindi sila ang dapat sisihin sa pagbaha sapagkat kaunting porsiyento lang ang pinakawalan at hindi pa umano nananalasa ang Bagyong Ulysses ay nag-abiso na sila na magpapa-kawala ng tubig.

Nararapat magkaroon nang malalim na imbestigasyon sa nangyayaring illegal logging, sand mining at quarrying sa Cagayan. Hindi dapat maging malamya ang pag-iimbestiga sa mahalagang isyung ito. Hindi rin dapat nakapokus lagi sa climate change at pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam ang pagbaha. Hindi kaya mga pulitiko ang nasa likod ng illegal logging, mining at quarrying kaya matamlay ang pag-iimbestiga ng mga mambabatas? May pumipigil sa kanila para halukayin ang totoo?

 

ILLEGAL LOGGING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with