^

Punto Mo

Pampublikong sasakyan sa lansangan, sapat na ba?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa iba’t ibang lansangan sa Metro Manila makikita ang maraming mga jeepney drivers na imbes na namamasada eh masusumpungang namamalimos.

Ilang buwan na rin kasing natigil sa pagbiyahe ang mga ito, at ngayon nga na unti-unti  nang pinapayagan ang pagbabalik-biyahe ng mga bus at modern jeepney, naiiwan naman na nakabitin ang kapalaran ng mga driver sa traditional na jeepney.

Sila kasi ang huling-huli na pababalikin sa pagbibiyahe at ito ay kung hindi pa nakakasapat ang mga pinabalik-biyaheng mga sasakyan.

May tampo na nga ang marami sa kanila na nagsabing ginagamit ng pamahalaan ang pandemya para alisan sila ng trabaho.

Lalo pa nga at nagpahayag kamakalawa ang Malacañang na walang kasiguruhan na maka-kabiyahe ang mga tradisyunal na jeepney.

Sa kasalukuyang sitwasyon ng pampublikong transportasyon, sinasabing sa kabila ng muling nadagdagan ang mga pinayagang magbiyaheng mga bus at modern jeep, eh patuloy pa rin ang nararanasang kalbaryo ng mga commuters sa Metro Manila lalo na sa rush hour.

Maaaring hindi pa ito nakakasapat  ang mga ito sa rami ng pasahero at isa pa rito ay ang matagal na pagdating ng mga  PUVs kaya naiipon ang mga commuters sa mga lansangan.

Sa kasalukuyan, mahigit sa tatlong libo ang mga pinayagang bumiyahe na mga bus at nasa 1,500 naman ang mga modern jeepneys sa second phase ng operations ng mga PUVs sa ilalim nang pinaiiral na general community quarantine (GCQ).

Habang nasa 75,000 naman ang sinasabing mga traditional na jeepney na natengga hanggang sa ngayon.

Ito marahil ang dapat na mapag-isipan, pero dapat talaga na masala bago sila pabalikin sa kalye.

Hindi naman maitatago na marami sa mga traditional jeepney eh talaga naming ilang taon ang edad at baka hindi na road worthy. Pero kung maayos naman at hindi maisasapalaran ang kaligtasan ng mga pasahero ay mapagbigyan na muna par makabangon ang kabuhayan.

Pero dapat na matiyak na masusunod din ng mga ito ang mga patakaran para maingatan naman ang riding public sab anta ng COVID.

SASAKYAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with