^

Punto Mo

5-anyos na batang lalaki sa utah, itinakas ang kotse ng magulang upang bumili ng Lamborghini

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HULI ng mga pulis sa Utah ang isang 5-anyos na batang lalaki na itinakbo ang sasakyan ng kanyang mga magulang upang magtungo sa California at doon bumili ng Lamborghini.

Ayon sa balita, ipinuslit daw ng bata ang kanilang family SUV matapos itong mapagalitan ng kanyang ina na tumanggi siyang bilhan ng nabanggit na mamahaling sasakyan.

Dahil sa hindi nito diretsong pagtakbo, pinara ng mga pulis ang SUV sa pag-aakalang lasing ang nagmamaneho nito.

Kaya naman laking gulat ng pulis nang isang musmos ang matagpuan niya sa manibela.

Ipinaliwanag ng bata na balak niyang magpunta ng California at doon bumili ng Lamborghini.

Nang tanungin kung magkano ang dala niyang pera ay napag-alamang $3 (katumbas ng P150) lang pala ang nasa bulsa ng bata. Nasa $200,000 (humigit kumulang sa P10 mil­yon) ang karaniwang presyo ng isang bagong Lamborghini.

Bagama’t walang nasaktan sa insidente, pinag-aaralan pa ng mga awtoridad kung sasampahan nila ng kaso ang mga magulang ng bata dahil sa pagpapabaya ng mga ito.

LAMBORGHINI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with