^

Punto Mo

Thai woman, tiklo nang tangkaing mag-smuggle ng baby tiger na inilagay sa bagahe

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae mula sa Bangkok, Thailand ang inaresto sa airport makaraang makita sa kanyang bagahe ang isang buhay na baby tiger.

Ang babae ay nakila-lang si Piyawan Palasarn. Patungo ng Iran si Piyawan.

Nadiskubre ang tigre makaraang idaan sa x-ray machine ang kanyang bagahe sa Bangkok airport. Nagduda ang personnel sa x-ray machine kaya ilang ulit idinaan ang bagahe ni Piyawan. Hanggang sa makita ang baby tiger sa bagahe.

Hindi agad mapapansin sa x-ray machine ang buhay na tigre sapagkat isinama ito sa mga stuffed tiger toys.

Nang buksan ng mga airport personnel ang bagahe, nakita nila ang baby tiger na inaantok at halatang may pinainom na droga.

Nang tanungin si Piya-wan, itinanggi niyang sa kanya ang bagahe. Kung anu-ano pa ang kanyang alibi.

Pero hindi siya pinaniwalaan at inaresto ng airport authorities.

Sa Thailand, mahigpit na ipinagbabawal ang smuggling ng mga hayop. Ang parusa sa mapapatunayan ay 4 na taong pagka­kabilanggo at pagbabayarin ng 40,000 Baht.

TIGER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with