^

Punto Mo

100 payo mula sa centenarians

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

(Part 3)

…para magkaroon ng happy, healthy and long life kagaya nila:

33. Kung hindi ka masaya sa kinaroroonan mo, lumipat ka ng tirahan. Hindi ka puno na nakatanim lang sa isang lugar.

34. Kung dalawa lang ang pagpipilian: Piliin mong tawagin kang magandang unggoy kaysa pangit na tao.

35. Kung ikaw ay matanda na at maraming nararamdamang sakit, puwede nang panindigan ang kasabihang: E, ano kung tamad, hindi naman pagod!

36. Eat it, don’t tweet it. Parinig sa mga kabataang mas inuuna ang pagkuha ng photo, kaysa kumain. Hindi na baleng malipasan ng gutom, nakapagyabang naman sa social media.

37. Huwag maggupit ng sariling bangs. Mas mataas ang tsansa na ikaw ay magiging pangit sa bandang huli. Huwag maging kuripot pagdating sa pagpapaganda ng buhok. It’s our crowning glory!

38. Panakot sa mga kabataang nasosobrahan na sa pagpapapayat: If you don’t eat; you don’t shit. If you don’t shit, you die.

39. Hangga’t maaari, huwag mangutang. Kung hindi mo kayang bayaran ng cash ang isang bagay, huwag mo itong bilhin.

40.  Umidlip araw-araw.

41. Tawanan mo ang iyong mga pagkakamali. Nakakabawas iyon ng disappointment. At nakakagaan ng kalooban.

42. Be honest all the time. Ang kapalit ng pagsisinungaling ay sobrang stress dahil lagi kang nag-iisip ng pampalusot para hindi mabuking.

43. Laging makinig sa sasabihin ng iba. Mas marami kang matututuhan sa pakikinig kaysa kung ikaw ang magsasalita at magtuturo.

44. Find a job that you love. Kahit enjoy ka sa iyong ginagawa, hindi ka makakadama ng pagod kahit kailan.

45. Be lovable. Nakakahaba ng buhay kung maraming nagmamahal sa iyo. (Itutuloy)

vuukle comment

HEALTHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with