^

Punto Mo

Video karera, bumalik na sa Maynila?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Tulungan natin si idol Mayor Francisco Domagoso sa kanyang programa na linisin at pagandahin ang imahe ng Maynila. Iparating natin kay Domagoso na bumalik na ang video karera sa Binondo. At ang inginunguso ng mga kosa ko ang matapang na naglatag ng makina sa Binondo ay si alyas Samonte. Sa pagkaalam ng mga kosa ko, ayaw ni Domagoso ng video karera dahil naaapektuhan nito ang pag-aaral ng kabataan. Kaya sa pag-upo niya sa kanyang trono, winalis kaagad ni Domagoso ang mga makina ng mag-asawang Romy at Gina Gutierrez, Mike, Noel Adiong, Berting, Lea, Charito, Iking, Leomar, Manny Manok, Rizal, Tata Henry Baseco, Rey Baseco, Tata Bonnie, Rudolf, Tata Carding, Jonjon, Boy R, kagawad Boyet at Andrew. Matatandaan na winasak pa nga ni Domagoso, kasama si MPD director Brig. Gen. Vicente Danao Jr., ang mga lumang nakumpiskang makina sa quadrangle ng City Hall. Kaya dapat hanapin at kumpiskahin ni Maj. Rosalino Ibay Jr., ang SMART chief, ang mga makina ni Samonte bago ito lumaganap sa buong Maynila at magmukhang tolongges si Domagoso, ‘di ba mga kosa? At siyempre, ang pinakamasayang tao sa Maynila sa ngayon dahil sa makina ni Samonte ay si Sgt. Raffy Padua dahil madaragdagan na naman ang payola niya. Araguuyyy! Get’s n’yo mga kosa?

• • • • • •

Bokya ang Gilas Pilipinas sa laro sa World Cup sa China kaya out na tayo sa Olympic berth sa Tokyo, Japan sa susunod na taon. Sa limang laro, tinambakan tayo ng Italy at Serbia at kamuntik nang makasilat laban sa Angola sa 1st Round samantalang, malaki rin ang lamang ng Tunisia at Iran sa classification round. Kaya hayun, naglabasan ang mga tinatawag na basketball experts at samu’t saring opinion na ang inilabas nila. Ang sentro ng sisi ng mga kababayan natin ay si coach Yeng Guiao, ang mga players at nadamay pa ang Samahang Basketball sa Pilipinas (SPB). Araguuyyyy! Hak hak hak! Di ba dapat walang sisihan at imbes ay pagtuunan na ang future ng Gilas dahil tayo ang host ng FIBA World Cup sa 2023? Anong say mo kosang Edge Empi Sir?

Bilang laos na basketball player, ito naman ang napuna ko sa laro ng Gilas Pilipinas dahil napanood ko rin naman sa TV at nililisan lang kapag tapos na ang first half, maliban sa laban vs Angola. Ang mga kalaban natin ay puro matatangkad sa mula guard hanggang center kaya lamang na sila kahit walang talunan. Maging ang kanilang sentro na 7-footer ay tumitira sa tres at ang masama niyan pumapasok pa ang bola. Kaya may factor dito ang height, di ba kosang Joey Villar Sir? At karamihan sa mga kalaban ng Gilas ay familiar names na ang ibig sabihin halos late at past 30’s na sila pero naglalaro pa para sa bansa nila. Eh 20 pa lang sila naipresenta na nila ang kanilang bansa sa international basketball tournament kaya may cohesion na sila. Ang ibig kong sabihin mga kosa, alam nila kung kanino ipapasa ang bola sa bawat sitwasyon dahil matagal na silang magkasama. Anong sey mo kosang Joey? Ang USA team naman ay hastily-formed, tulad ng Gilas, at ang problema rin nila ay cohesion. Kung nananalo ang USA ay dahil sa sobrang athleticism nila at dun sila lamang versus mga kalaban, di tulad ng Gilas na tatlong linggo lang ang preparasyon. At hindi kaya ng Gilas na tumbasan ang athleticisim ng Team USA. Anong sey n’yo mga kosa?Abangan!

VIDEO KARERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with