^

Punto Mo

4 na teenagers sa Oklahoma, pinasok ang nasusunog na bahay upang iligtas ang 90-anyos na lola

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI nag-atubili ang apat na teenagers sa Oklahoma sa pagsagip sa kanilang 90-anyos na kapitbahay mula sa nasusunog nitong bahay.

Noong isang buwan ay nakatambay sa kanyang tahanan ang 16-anyos na si Seth Byrd at tatlo niyang kaibigan nang may naamoy silang nasusunog.

Amoy daw ito ng nasusunog na goma at nalaman nilang nanggagaling ito sa loob ng isang bahay nang makarinig sila ng fire alarm.

Tahanan pala ni Catherine Richie ang nasusunog at nagsimula ito sa kanyang kama. Sinubukan pa niyang apulain mag-isa ang apoy ngunit masyado na itong malaki kaya tumawag na siya sa 911.

Dahil sa tindi ng usok, hindi na niya nagawang makalabas ng kuwarto.

Noon na dumating ang kanyang tagapagligtas na si Byrd at tatlo niyang kaibigan na winasak ang likurang pinto ng bahay ni Richie upang makapasok.

May kutob na raw si Byrd na nasa loob pa si Richie ng nasusunog na bahay kaya hindi sila nagdalawang-isip ng kanyang mga kaibigan na pasukin ito upang mailigtas ang matandang kapitbahay.

Agad nilang nakita si Richie at mabilis na binuhat palabas ng bahay.

Labis ang pasasalamat ni Richie sa ginawa ng apat, na tinawag niyang mga bayani sa ginawang pagsalba sa kanyang buhay.

 

vuukle comment

OKLAHOMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with