^

Punto Mo

Liderato ng kasakiman nagpapahirap sa bayan!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MATAGAL na tayong nabigyan ng babala ng mga iskolar at political analyst sa masamang epekto ng pakikibahagi at paki­kialam ng mamamayan sa mapanuksong sistema at kalakaran ng pera-pulitika sa ating bansa.

Gamit na ngayon sa pulitika ang kamandag ng mass media na ang mga ibinabalita ay taliwas sa kagandahang asal at legal na basehan sa maseselang isyu na kapag pinabayaan at inulit-ulit ay nagiging totoo sa paniwala ng karamihan. May masamang espiritu kayang kaakibat?

Halimbawa rito ang talumpati ni dating President Digong Duterte “pagpatay” sa 15 senador at pagpapasabog sa bulwagan ng Senado. Tawanan ang mga kapanalig niya. Bad influence di ba?

Hindi naman talaga dapat ginagawang biro ang pagpatay at lalong hindi dapat na ito’y pina­palakpakan pa, kaya kumilos si CIDG chief Maj. Gen. Nicolas Torre III at sinampahan ng kaso sa Department of Justice si Digong. Makulong kaya?

Malaki ang ipinagkaiba sa propesyonalismo ang mga miyembro ng mainstream media kung ikukumpara sa mga literal na nagpakilalang tagapagbalita na ang armas ay freedom of speech and expressions. Hindi naman kasali ang karapatang manira ng pagkatao at magsinungaling. Tamang-mali at kabobohan ang ganyan, di ba Atty. Gadon?

Hindi nakapagtataka ang pagdami ng political camp vloggers dahil magkabilang kampo naman ang gumagawa niyan. Nakababahala lang ang mga barubalan na naririnig at napapanood ng mga kabataan sa social media. Ganyan ang “tamang mali” na kinukunsinti pa ng mga pulitikong mambabatas.

Kasabay ng paglipana ng mga impostor na lingkod ng bayan na mga pulitiko at mamamahayag, sumibol na rin ang mga impostor na nagpapakilalang Diyos. Gumagamit sila ng media outlets para magpahayag ng galit at pagkasuklam. Kurbadang daan?

Lumago ang bilang ng mga “ateista” sa mundo. Katulad din ng mga pulitiko natin na gustong mamuno sa bayan na salat sa kaalaman, pero mayaman sa kagahamanan. Sila ang tunay na diyos-diyosan na salot sa bayan.

Ipagdasal natin ang bayan.

FAME

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->