Sawa na 17 feet ang haba at nagtataglay ng 73 itlog, nahuli sa Florida
ISA ang Burmese python sa pinakamalaking uri ng sawa sa mundo ngunit higit pa sa karaniwang laki nito ang sukat ng nahuling sawa sa Florida kamakailan.
Nahuli kasi ng mga siyentista ang isang female python sa Florida Everglades na higit 17 feet ang haba, may bigat na 140 pounds at may 73 itlog sa loob nito.
Ang sawa diumano ang pinakamalaking sawa sa lugar, na isang 300,000 hektaryang latian na matatagpuan malapit sa Miami, Florida.
Makikita sa naging viral na Facebook post kung gaano kalaki ang sawang nahuli ng mga siyentista.
Makikita sa litrato na kailangang apat sa mga siyentista ang magkarga sa sawa.
Karaniwan sa mga sawang nahuhuli sa lugar ay naglalaro lang mula sa 6 hanggang 10 feet ang haba kaya kakaiba talaga ang laki ng sawa.
Nahuli ang sawa bilang bahagi ng operasyon sa pag-ubos sa mga sawa sa lugar, na unti-unti nang nagiging problema dahil sa kanilang pagdami.
- Latest