Ahas na naipit ang ulo sa lata ng softdrinks, sinagip ng babae sa Florida
HINDI ininda ng isang babae sa Florida ang kanyang sariling takot sa mga ahas matapos niyang sagipin ang isa sa mga ito na naipit ang ulo sa loob ng isang lata ng softdrinks.
Ibinahagi ni Rosa Fond ang kanyang karanasan sa pamamagitan ng pagpo-post sa Facebook ng isang video kung saan makikita siya na natatakot habang nilalapitan ang naipit na ahas.
Sa kabila ng takot ay makikita sa video na unti-unti pa ring hinila ni Fond ang lata ng softdrinks mula sa ulo ng ahas.
Hindi na dapat magtaka sa tapang na ipinakita ni Fond dahil nagmamay-ari siya ng Humans and Animals United Rescue.
Ipinaliwanag din ni Fond na ginawa niya ang pagsagip dahil sigurado siyang torture ang aabutin ng ahas kung sakaling iba ang makakakita rito.
- Latest