Kolorum at iba pang pasaway sa lansangan
Imomobilisa at kakatuwangin ng Inter –Agency Council on Traffic ( I-Act) ang may 300 tauhan ng PNP-Highway Patrol Group (HPG) para sa crackdown operation sa mga kolorum na behikulo hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa mga karatig lalawigan.
Eto ha, magiging puspusan na naman ang paghuli sa mga kolorum na sa matagal na panahon ay napasimulan, pero tila hindi naglaon ay nanlamig ang kampanya kaya ayun, balik sa pamamagyagpag ang mga kolorum sa lansangan.
Ngayon muling may crackdown marahil ay dahil na rin sa naging pahayag kamakailan ni Pangulong Digong na kung meron siyang hindi natupad sa kanyang ipinangako sa kampanya, ito ay ang hindi naresolba ang trapik sa metro Manila lalu na sa EDSA.
Ngayon magiging mahigpit uli ang panghuhuli sa napakaraming kolorum na isa sa sinasabing dahilan kaya nagsisikip ang daloy ng trapiko.
Imomobilisa ang PNP-HPG bilang enforcement arm ng DILG .
Hindi lang kolorum, pati rin ang matitigas ang ulo na ilegal na pumaparada sa mga pangunahing kalye na sagabal sa trapiko.
Nagpauna na nang babala si Chief Supt. Roberto Fajardo ng PNP-HPG na wala silang sasantuhin sa mga illegal na naka-park sa lansangan
Dapat ding regular na mapasadahan ang mga itinalagang Mabuhay lane kung saan dapat na walang sagabal sa daan, pero ngayon bumabalik na naman sa dati at ginagawa na namang paradahan.
Marami nyan sir, itinatano nga ng marami nating kababayan kung epektibo lang daw ba ang Mabuhay lane tuwing buwan ng Disyembre.
Kung magiging seryoso ang operasyon, ang magiging prblema naman dito eh kooperasyon ng LGUs.
Bakit kamo, kahit araw-arawin yata ang operate sa mga illegal parking, pag-alis nang nag-operate bumabalik naman ang mga sagabal sa daan, dahil nakatimbre sa barangay.
Kaya nga, ito ang dapat ding matutukan ng DILG ang mga pasaway at konsintidor na kapitan.
- Latest