^

Punto Mo

EDITORYAL - Bigatan, parusa sa mga nagda-drive nang lasing

Pang-masa
EDITORYAL - Bigatan, parusa sa mga nagda-drive nang lasing

MAYROONG batas na nagpaparusa sa mga nagmamaneho nang lasing o mga naka-droga. Pero ang batas na ito -- Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013 ay hindi kinatatakutan at sa loob ng mga taon mula nang ipasa ito, maraming aksidente ang naganap dahil lasing ang driver. Masyadong magaan ang parusa na nakasaad sa batas at ito ang dahilan marahil kaya walang takot ang driver kahit uminom man siya at mag-drive.

Ayon sa batas, ang mga mahuhuling nagmamaneho nang lasing sa alak at pinagbabawal na droga ay makukulong ng tatlong buwan at pagmumultahin ng P80,000. Kapag may napinsala at namatay, magmumulta ng P200,000 hanggang P500,000 at makukulong ang nakasagasa.

Masyadong magaan ang parusang ito. Gasino na ang P200,000 o P500,000 na bayarin kapag nakasagasa ang lasing na driver. Balewala ito kapag mayaman ang nakasagasa. Kailangang itaas sa milyong piso ang multa at mahabang pagkakulong upang magkaroon ng takot ang mga driver at huwag magmaneho nang lasing o naka-droga.

Noong Miyerkules ng hatinggabi, isang lalaking anak ng kongresista mula sa Isabela ang nakasagasa ng parking attendant sa Tomas Morato Ave., Quezon City. Dahil sa lakas ng pagkabangga, hindi na umabot nang buhay sa ospital ang biktima na nakilalang si Celso Calacat, 50. Nahuli naman agad ang nakasagasa kay Calacat na nakilalang si Ed Christopher Go, board member ng Isabela at anak ni second district Representative Ana Cristina Go. Lasing si Go nang masagasaan si Calacat batay sa ginawang pagsusuri ng Quezon City Police District. Kasalukuyang nasa kulungan si Go.

Hindi naman makapaniwala ang maybahay ng biktima na nawala na ang padre de pamilya na tanging bumubuhay sa kanila. Hindi raw niya alam kung paano bubuhayin ang kanilang mga anak nga-yong wala na ang asawa.

Ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA) karamihan sa mga nangyayaring malalagim na aksidente sa Metro Manila ay dahil sa pagmamaneho ng lasing at paggamit ng bawal na droga. Mas marami ang nangyayaring aksidente kung madaling araw kung saan umuuwi na ang mga senglot na drayber.

Bigatan pa o dagdagan ang parusa sa mga nagmamaneho nang lasing. Lagyan pa ng ngipin ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act.

vuukle comment

ANTI-DRUNK AND DRUGGED DRIVING ACT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with