^

Punto Mo

EDITORYAL - Iniipon ang bigas at saka itataas ng presyo

Pang-masa
EDITORYAL - Iniipon ang bigas at saka itataas ng presyo

HINDI pa kinukuha ang 23 milyong sako ng bigas na nakatengga sa Manila International Container Port (MICT) at South Harbor. Ang mga imported na bigas ay nas 900 containers. Ayon sa Philippine Port Authority (PPA), matagal nang nasa pantalan ang mga container pero hindi pa kinukuha ng importers. Nakapagtataka naman kung bakit hindi kinakalampag ng Department of Agriculture (DA) ang rice importers para i-pull out ang mga bigas sa pantalan.

Kamakalawa, nareport na maski sa Subic at Batangas­ ports ay marami ring nakatenggang imported na bigas. Hindi binanggit ang bilang ng containers na may lamang imported rice pero matagal na umano itong nakatengga sa mga pantalan na nabanggit.

Sabi ni PPA General Manager Jay Santiago, pina­dalhan na nila ng letter ang DA kaugnay sa mga naka­tenggang bigas subalit wala pa silang natatanggap na kasagutan. Binigyan na rin daw nila ng ultimatum ang rice importers para i-pull out ang mga bigas. Nagpadala na umano sila ng sulat noong Setyembre 19 sa importers. Kapag hindi pa raw gumawa ng aksiyon ang rice importers, kakalampagin muli nila ang tanggapan ni Agri­culture Sec. Herman Tiu-Laurel.

Walang gatol namang sinabi ni Santiago na posibleng hinihintay daw ng rice importers na tumaas ang presyo ng bigas sa mga palengke bago nila i-pull out ang kanilang kargamento sa pantalan. Ayon kay Santiago, maituturing itong hoarding na ang kaibahan lamang ay nasa mga pantalan pa ang bigas at wala sa mga bodega. Hindi raw nila maaring galawin ang mga shipment kaya nararapat na ang mga awtorisadong ahensiya ang gumawa ng paraan para mailabas ang mga ito sa pantalan.

May katotohanan ang sinabi ni Santiago na hini­hintay ng rice importers na sumirit ang presyo ng bigas at saka nila kukunin sa port ang shipment. Tiyak na paldo ang kanilang bulsa sa kikitain sa paglobo ng presyo. Mamimintog sa dami ng kikitain lalo pa at parating na ang holidays season. Maaring hindi lang bigas ang i-hoard kundi pati prutas, gulay at frozen meat.

Habang bundat na bundat ang bulsa ng mga gahamang rice importers, ang kawawa naman ay mga mahihirap na mamamayan. Tiyak na iiyak sila sa kamahalan ng bigas. Hindi na nga nila natikman ang pangako ni President Marcos Jr. na magiging P20 per kilo ng bigas, mabibiktima naman pala sila ng mga gahamang negosyante. Gumawa naman sana ng paraan ang Agriculture secretary para i-pull out sa pantalan ang napakaraming imported na bigas. Huwag hayaang ipunin ito ng mga ganid na rice importers.

vuukle comment

RICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with