^

Punto Mo

PAGCOR, alerto kayo!

RESPONDE - Pang-masa

SURE na raw na bago pumasok ang 2025, wala na ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa, sabi ni Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) chairperson Alejandro Tengco. Mayroon daw natitirang 41 lisensiyadong POGOs at naghahanda nang umalis ang mga ito bilang pagtalima sa utos ni President Ferdinand Marcos Jr.

Inihayag ni Marcos sa kanyang 3rd SONA noong Hulyo ang pagpapatigil sa POGO. Sabi ni Marcos, “Kailangan nang itigil ang panggugulo nito sa ating lipunan at paglalapastangan sa ating bansa.” Desidido ang Presidente na walang maiiwan kahit isang POGO sa pagtatapos ng 2024. Masigabong palakpakan ang inani ng Presidente nang ihayag ang pagpapatigil sa POGO. Ibig sabihin, marami na ang nababahala sa mga krimen at iba pang mga problema na hatid ng POGO sa bansa. Nagsimula ang POGO sa bansa noong 2017 sa termino ni dating President Rodrigo Duterte na ang layunin ay makalikom ng buwis mula rito.

Pero sa halip na buwis, mga krimen ang inani. Maraming illegal POGOs ang nag-operate at naging front ng human trafficking, crypto currency scam, prostitution at marami pa. Maraming Chinese na nalululong sa sugal at hindi makabayad ang kinikidnap at pinapatay ng mga kapwa Chinese. Dito sila sa Pilipinas nagkalat ng lagim at nadadamay ang mamamayan.

POGO rin ang ugat kaya nakakulong ngayon ang pinatalsik na Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Maraming sinampang kaso sa kanya kabilang ang qualified human trafficking. Bukod kay Guo, marami pang sangkot na ang pinagmulan ay ang POGO operations.

Nasa kamay ngayon ng PAGCOR ang lubusang paglilinis para matiyak na walang maiiwan na POGOs. Sinabi naman ni Tengco, na bago pumasok ang 2025, wala nang POGO gaya ng utos ni Marcos Jr. Ipinagmalaki ni Tengco na may limang POGOs na ang nagboluntaryong umalis. Hindi na raw naghintay pa ng Disyembre 31, 2024 na itinakda ng Presidente.

Malaking hamon sa kakayahan ni Tengco ang pagwalis sa POGO. Kailangang maging alerto siya sapagkat tiyak nang may mga gagawa ng paraan para manatili ang operasyon sa bansa. Magiging patago ang kanilang operasyon. Maghahanap ng mga kasabwat at pakikilusin ang pera. Kabisado na rin ng mga Chinese na madaling tapalan ng pera ang ilang Pinoy.

Hindi dapat matulog ang PAGCOR at baka may makalusot na POGO.

vuukle comment

PAGCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with