^

Punto Mo

EDITORYAL — Panagutin, mga ­taong kumupkop kay Quiboloy

Pang-masa
EDITORYAL � Panagutin, mga ­taong kumupkop kay Quiboloy

NAHIRAPAN ang Philippine National Police (PNP) na maisilbi ang warrant of arrest kay Pastor Apollo Quiboloy, founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC). Kulang-kulang na dalawang linggo bago siya naaresto (o sumuko) makaraang pasukin ng mga pulis ang KOJC compound. Bukod sa pastor, apat na iba pa ang naaresto. Kasalukuyang nasa PNP Custodial Center sa Camp Crame si Quiboloy. Nakaharap na siya sa dalawang korte na nag-isyu ng warrant of arrest. Kasong qualified human trafficking at child abuse ang sinampa sa kanyang mga kaso. Meron din siyang mga kasong kinakaharap sa U.S. Humihirit naman ang kanyang mga abogado na i-hospital arrest ang pastor.

Isang malaking katanungan ngayon ay kung mapapanagot pa ang mga taong nagkanlong kay Quiboloy? Nagmatigas ang kanyang supporters na papasukin ang mga pulis na maghahain ng warrant. Ikinakaila ng mga supporters na naroon si Quiboloy. Maski si dating President Rodrigo Duterte ay nagsabi na alam niya ang kinaroroonan ni Quiboloy pero hindi niya sasabihin ang kinaroroonan nito. At maging si Vice President Sara Duterte ay nagsabing nasa langit na raw si Quiboloy. Wala raw ito sa KOJC compound.

Pero nang lusubin ng may 2,000 pulis ang compound at halos dalawang linggong sinuyod—pati ang bunker—naaresto rin ang nagpakilalang “chosen son of God.”

Nasaan na ang mga nagkanlong sa kanya at tila wala nang gagawing hakbang ang PNP?

Sabi ng PNP tuloy ang pagsasampa nila ng kaso sa mga taong nagkanlong at kumupkop kay Quiboloy. Pananagutin umano ang mga ito. Inihahanda na raw ng PNP ang mga kasong isasampa sa mga nasabing indibidwal. Inatasan na ni PNP chief Gen. Rommel Marbil si Criminal Investigation and Detection Group Director Major General Leo Francisco na manguna sa isasagawang imbestigasyon at case build-up sa mga taong kumanlong kay Quiboloy.

Ayon kay Marbil, naniniwala sila na may mga close associates si Quiboloy na tumulong bukod pa sa gina­wang panlilinlang umano ng mga legal representatives nito. Hindi raw nila ito-tolerate ang ginawang paghadlang o obstruction to justice ng mga taong ito. Hindi umano makakatakas sa batas ang mga tumulong kay Quiboloy.

Sampahan ng kaso ang mga humadlang para maaresto si Quiboloy. Labag sa batas ang pagtatago sa isang hinahanap ng batas. May legal na basehan kaya inaaresto si Quiboloy subalit patuloy pa ring itinago. Panagutin sila para magbigay-aral na ang paghadlang sa pagbibigay ng hustisya ay may katapat na kaparusahan.

vuukle comment

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with