^

Punto Mo

Uber at Grab, imbestigahan ng BIR

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

DAPAT mas mabigat na parusa ang ipataw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ( LTFRB) sa Uber Philippines na marami ang ginagawang paglabag sa patakaran ng gobyerno.

Noong una ay P5 million ang ipinataw na multa pero ngayon ay isang buwan na suspendido ang operasyon.

Pero dahil sa pagnanais ng ilang senador ay posibleng paik­liin na lang ang suspensiyon at posibleng isang linggo na lang sa halip na isang buwan laban sa Uber.

Kung paiikliin ang suspensiyon sa Uber ay dapat na patawan ito ng mas malaking multa tulad ng hanggang P20 million upang mas masakit at huwag nang lalabag sa mga panuntunan ng LTFRB.

Ayon kasi sa ilang senador ang commuters ang nagdudusa sa pagtigil ng Uber kaya naman kahit may paglabag ay tila ipinagtatanggol pa ito sa pangunguna ni Senator Grace Poe na  alam ng lahat na isang reelectionist sa 2019 elections.

Totoong malaking perwisyo sa commuters ang pagsuspinde sa operasyon ng Uber pero dapat ay unawain ng ilang epal na senador na kailangang sumunod sa panuntunan ng gobyerno.

Samantala, panahon na upang imbestigahan ng Bureau o Internal Revenue (BIR) ang Uber kung ito ba ay nagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno.

Dapat ay alamin kung papaano mababantayan ng BIR ang income o kota ng Uber maging ng katunggali nito na Grab .

Silipin din ng mga Senador kung nagbabayad ng tamang buwis ang Uber at Grab na kanilang ipinagtatanggol ngayon sa publiko.

Panahon na rin upang kontrolin ng gobyerno ang singil sa pamasahe ng Uber at Grab upang maprotektahan ang publiko partikular ang commuters.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with