^

Punto Mo

‘Walang hahanapin pa’

- Tony Calvento - Pang-masa

MAKABAGONG siyudad na lumalago sa Mega Manila na kakaiba sa mga nakita niyo. Tahanang de-kalidad at abot-kamay ng pamilyang Pilipino. Ang isa sa pinakakilala sa ating bansa na developer na Property Company of Friends Inc. o PRO-FRIENDS ang nasa likod ng de-kalidad na proyektong ito.

Nakaugat ito sa pag-unawa ng pangangailangan ng isang pamil­yang Pilipino. Ang PRO-FRIENDS ay nangahas na gumawa ng hakbang ng pagbabago sa pamamagitan ng pagbuo ng komunidad malapit sa Metro Manila na bawat pamilya ay magkaroon ng sapat na oras para sa isa’t-isa.

Noong taong 2007 sinimulan ng PRO-FRIENDS ang unang bahagi nito, ang Lancaster New City na madaling lumaki bilang isang ‘master-planned community’ na umuokupa ng mahigit 1,400 ektarya sa Kawit, Gen. Trias at Imus, Cavite.

Nakatayo ito malapit sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) na nagbibigay ng oportunidad sa bawat pamilya na magkaroon ng isang bahay sa makatwirang presyo. Ikinokonsi-dera nito na mabigyan ang bawat pamilya ng lahat ng pangangailangan sa kanilang buhay. Para mabuhay, matuto, magtrabaho, maglaro at manalangin.

Ang mga bahay na ginawa ng PRO-FRIENDS sa Lancaster New City ay may dalawang pagpipilian. Isang ‘two-storey townhouses’ at ‘two-storey single attached’ na dinisenyo para sa mga batang propesyunal, nagsisimula pa lang na pamilya at lumalaking pamilya.

Bawat tahanan ay may sapat na espasyo para makakilos at makaikot sa loob ng bahay. May ilang modelo din ng bahay na may sarili silang ‘Family Courtyard’, espasyo sa likod o harapan ng single attached homes kung saan makakapaglaro ng ligtas ang kanilang mga anak o maaari ding magamit sa ilang espesyal na okasyon.

Hindi lamang tahanan ang inihatid ng PRO-FRIENDS sa mga residente, ang Lancaster New City ay naghahangad din na makapagbigay ng de-kalidad at abot-kamay na edukasyon.

Ang St. Edward Schools (SES) ay isang pribadong institusyon sa loob ng Lancaster. Ang SES ay nakatuon sa pagkakaroon ng paaralan sa loob mismo ng isang komunidad. Halos 400 metro lang na lakaran ang layo nito. Sa puntong ito nagkakaroon pa ng mas maraming oras ang bawat pamilya at mas nakakatipid.

Sa pagbubukas nito ng school year 2015-2016, ang St. Edward Schools ay may dalawa ng bukas na community schools. Ang St. Edward Integrated School at St. Edward Faith Community School. Patuloy pa itong lalago kasabay ng paglaki ng Lancaster New City.

Meron ding IT Park of Cavite ang Lancaster ito ang Suntech iPark. Ito ang kauna-unahang IT Park development ng PRO-FRIENDS kung saan binibigyan nila ng mapagpipilian ang mga residente na magtrabaho malapit sa kanilang bahay para magkaroon ng mas mahabang oras para sa pamilya.

May Tap N’ Ride Transport System din para mapagsilbihang mabuti ang lumalaking populasyon ng lugar. May mga MetroLink buses na papuntang Coastal Mall Bus Terminal na magdadala sa mga residente sa kani-kanilang mga trabaho sa maikling oras.

Inisip din ng PRO-FRIENDS na magkasama-sama ang bawat pamilya kaya gumagawa sila ng Downtown Lancaster. Limampu’t limang ektaryang commercial-business-lifestyle district na magbibigay ng ilang mapaglilibangan sa mga residente. Dito nila makikita ang Suntech iPark, retail-commercial area at Central Greens.

Hindi kompleto ang isang komunidad kung walang  simbahan para turuan ang kanilang mga anak sa paniniwala sa Diyos at pagdarasal. Sa puso ng Lancaster ay naroon ang Church of the Holy Family. Itinayo ito noong 2012 at tulad ng ilang simbahan nagdaraos ito ng misa at nagdiriwang ng tradisyunal na Simbang Gabi.

May pitong resident priest at Seven Holy Sacraments ang maaaring isagawa dito. Ang Lancaster New City ay isang Family Friendly City na patuloy na umuusbong sa Cavite na ang pinakasentro ay mabigyan  ang bawat pamilya ng kompletong komunidad.

Ang PRO-FRIENDS ay nagbibigay ng mga pag-unlad na sadyang ginawa para sa bawat pamilya.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

 

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with