^

Punto Mo

Artistang laos at retirado, tsupi na sa Senado

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

SINOPLA ng taumbayan ang aplikasyon nina Willie Revillame, Phillip Salvador, Bong Revilla at Manny Pacquiao para manilbihang senador ng bayan. Nadamay tuloy si Jimmy Bondoc na isa pa namang abogado.

Mantakin n’yo namang sabihin ni Phillip Salvador na makikipagtulungan naman daw siya sa mga mga abogado niya para umugit ng batas. At si Willie Revillame naman ay ilalatag lang ang kanyang plataporma kapag nanalo na siya. Anubayarrn!

Naging epektibo ang pagiging sikat na artista noon para manalong senador tulad nina Rogelio dela Rosa at Joseph Estrada na nasundan pa nang marami. Si Lito Lapid na lamang ang kulelat na nakalusot nitong katatapos na eleksiyon.

Kung magpapatuloy ang ganitong isipan ng mga botante, namimiligro na sina Jinggoy Estrada at Robin Padilla sa susunod na eleksyon.

Maliban sa mga posisyon bilang congressman at local government positions na ibinoboto sa kanilang distrito, naipakita na ng mamamayan ang labis na pagkadismaya sa paninilbihan ng mga artistang wala naman talagang kaalaman sa panunungkulan. Lalo na sa pag-ugit ng batas. Sa trabahong may script lang sila magaling.

Madaling manalo ang artista sa mga kabayanan, siyudad at barangay dahil pirmihan silang nakikita at nakakadaupang palad. Kahit hindi matalino okey na!

Mas guwapo ang dating sa mata ng mahihirap na tao ngayon ang mga kandidatong may dalang ipamimigay na ayuda dahil nagsasawa na silang manood ng pelikula sa internet. O di ba?

Akala siguro ng mga artista ay uso pa ang “fans club” na sila pa ang madalas bigyan ng pasalubong na pagkain mula sa probinsiya. Mulat at dilat na ngayon ang mga tao dahil nagugutom. Understand?

Bumaba na rin ang simpatiya ng mamamayan sa mga artista bilang mga bida sa buhay nila dahil karamihan sa kanila ay naging bandido na dahil sa pagkakasangkot sa pagnanakaw sa kaban ng bayan. Kilala naman ninyo sila di ba?

Kawawa naman ang mga artistang may pinag-aralan at qualified magsilbi sa bayan. Hindi ‘yung “pa-cute” lang sa harap ng camera na parang may eksena ng handaan. Naka-costume naman!

 

SENATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with