Lady Knights nanatili sa tuktok
MANILA, Philippines — Umiwas sa reverse sweep ang Letran matapos silang akbayan ni Sheena Vanessa Sarie sa 25-22, 25-19, 23-25, 23-25, 17-15 panalo kontra tigasing Arellano University sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament kahapon sa Emilio Aguinaldo College Gym.
Sinandalan ng Lady Knights ang nagliliyab na opensa ni Sarie sa deciding fifth set upang umahon sila sa seven-point deficit at hatawin ang mahirap na panalo.
Pumutok si Sarie ng caree-high 37 points mula sa 35 attacks at tig-isang block at service ace para ilista ng Letran ang 13-2 karta at manatiling nasa tuktok ng team standings.
Matapos tuhugin ng Lady Knights ang unang dalawang sets ay biglang bumangis ang Lady Chiefs nang daklutin ang panalo sa third at fourth frames.
Hinawakan nmg Arellano ang 12-5 bentahe pero hindi nila kinaya ang pasabog ni Sarie kaya nakuha ang Letran ang panalo.
Inirehistro ni Marie Judiel Nitura ang 16 markers kasama ang 14 kills para sa Letran, habang may 14 markers si Gia Marcel Maquilang.
- Latest