^

Punto Mo

EDITORYAL — Mga kandidatong bumili ng boto, ­tutugisin pa ba?

Pang-masa
EDITORYAL â Mga kandidatong bumili ng boto, ­tutugisin pa ba?

MARAMI nang naiproklamang kandidato sa katatapos na midterm elections. Sa Metro Manila, halos lahat ng mga nanalong mayor at vice mayor ay naiproklama na. Maging ang mga nanalong governor at vice governor ay naiproklama na rin. Tanging ang mga nanalong senador ang hindi naipoproklama. Ayon sa Commission on Election (Comelec) maaaring ngayon o bukas iproklama ang mga nanalong senador.

Ang malaking katanungan ngayon ay kung ipagpapatuloy pa ng Comelec ang pagsasampa ng kaso sa mga kandidatong sangkot sa vote-buying. May kandidatong na-disqualify dahil sa pagbibiro sa mga single parent pero wala pa kahit isang nasasampahan ng kaso dahil sa pamimili ng boto.

Ayon sa Comelec, nakatanggap sila ng 600 kaso ng vote-buying at patuloy umano nila itong iniimbestigahan. Hindi raw mangingimi ang Comelec na ipatupad ang batas. Sabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa isang radio interview dalawang araw bago ang May 12 elections, hahabulin nila ang mga sangkot sa vote-buying.

Ayon pa kay Garcia, hindi sila magpapatumpik-tumpik na ipatupad ang batas. Kahit daw natalo, hahabulin pa rin nila dahil mayroon silang election offense na puwedeng i-file kahit limang taon pagkatapos na ma-commit ang krimen.

Ayon sa report ng foreign observers, ang bilihan ng boto ay nagre-range mula P150 hanggang P5,000, in cash or kind. Ayon pa sa foreign observers, kadalasang ang pamimili ng boto ay sa mga mahihirap na lugar na kontrolado ng political dynasties. Ang Internal Observer Mission ay may tinatayang 100 foreign observers na nasa iba’t ibang panig ng bansa sa panahon ng election period.

Ayon sa Comelec, nakatanggap sila ng report ukol sa vote buying sa NCR, Laguna, Bataan, Pangasinan, Zamboanga City at iba pang probinsiya.

Ipakita ng Comelec ang kanilang pagpupursigi na habulin ang mga inaakusahan ng vote-buying. Huwag hayaang makahulagpos sa batas ang mga kandidatong namili ng boto. Kailangang may masampolan upang wala nang umulit na kandidato. Hindi karapat-dapat ang mga kandidatong namamakyaw ng boto. Ipakita ng Comelec ang kanilang “kamay na bakal” sa mga lumalabag na kandidato.

VOTE BUYING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with