^

Punto Mo

EDITORYAL – Shabu rito, shabu roon

Pang-masa

NOONG nakaraang linggo, sunud-sunod ang ginawang pag-aresto ng Philippines Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga Tsinoy na miyembro ng drug syndicates. Nakumpiska sa kanila ang kilo-kilong shabu na nagkakahalaga ng milyong piso.

Unang naaresto ang dalawang Tsinoy noong Martes sa Bgy. Lawang Bato, Valenzuela na nahulihan ng 36 na kilo ng shabu habang papalabas sa isang bodega. Nang halughugin ang bodegang pinanggalingan, nakita ang pake-paketeng shabu at nakapalaman sa 12 heavy milling machines. Ayon sa PDEA, sadyang “pinalaman” sa drilling machines ang mga shabu at pinalabas na legal shipment ang mga ito. Dumating umano sa bansa ang shipment noong Enero 9.

Ayon sa PDEA, dumaan sa Port of Manila ang shipment at nakapagtatakang hindi ito na-detect ng Bureau of Customs (BOC). Ayon pa sa PDEA, malaki ang kanilang hinala na sa ibang bansa ipinakete ang mga shabu at saka dinala sa bansa. Nirentahan lamang umano ang warehouse sa Valenzuela noong Sabado at kinabukasan ay dinala na roon ang shipment ng 12 milling machines na may palamang shabu.

Sumunod na raw, dalawang Tsinoy na naman ang naaresto sa Araneta Ave. cor. Ramon Magsaysay Blvd. Maynila. Umabot sa 30 kilos ng shabu na nagkahalaga  ng P150 milyon ang nakumpiska sa mga suspek.

Malakas ang loob ng mga Tsinoy na magpakalat ng shabu sa bansa sapagkat alam nilang maluwag ang batas dito. Mahuli man sila, kulungan lamang ang bagsak. Hindi naman sila maaaring bitayin sapagkat walang death penalty sa bansang ito. Kaya kahit na sunud-sunod ang pagkakahuli sa mga drug dealer, wala pa rin silang takot. Madali lang kasing ipasok sa bansa ang shabu sapagkat maraming corrupt sa Customs. Imagine, nakalusot sa Customs ang bulto-bultong shabu na hindi naamoy.

Nararapat purihin ang PDEA sa matiyagang pag-mamanman at paghuli sa drug syndicates. Nararapat pang paigtingin nila ang operasyon para ganap na malipol ang mga salot na Tsinoy drug traders. Dapat din namang kumilos ang mga mambabatas na ibalik ang death penalty exclusive sa drug traffickers. Kung mabibitay ang drug traffickers, maraming kabataan ang maililigtas sa pagkagumon sa droga.

ANG

ARANETA AVE

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

DRUG

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

LAWANG BATO

MGA

NARARAPAT

SHABU

TSINOY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with