^

Punto Mo

‘Cool’ Hugot Lines

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Ang babae raw ay parang Barbie Doll. Kapag nagsawa nang paglaruan ito, itatapon na lang ito. Pero tandaan mo, ang TUNAY NA LALAKI, hindi naglalaro ng Barbie Doll.

Ang totoong nagmamahal ay parang MATINONG ESTUDYANTENG nag-e-exam. Hindi tumitingin sa iba, kahit nahihirapan.

Minsan, selos ka nang selos. Kaibigan lang pala niya ang pinagseselosan mo.

Minsan naman, selos ka nang selos. Kaibigan ka lang pala niya.

Hindi tanga ang tawag sa mga taong sobrang magmahal. Ang tanga ay ‘yung taong minahal nang sobra pero naghanap pa ng iba.

Lahat tayo ay binibigyan ng pagkakataong maging tanga. Hindi porke’t libre, ay aaraw-arawin mo na.

Nakapaskil sa isang sarisari store: Ice Cold Beer Available, mas malamig pa sa ‘ex’ mo.

‘Yung feeling na humihingi sa iyo ng payo ang best friend mo, kung sasagutin niya ang kanyang manliligaw, na super crush mo.

Subukan mong lumandi sa mahal ko, ako mismo ang magpa-file ng death certificate mo!

Huwag kang magmaganda, kung mukha ka namang paa.

Piliin mo ‘yung taong minamahal ka; kaysa mahal mo pero may mahal namang iba.

Minsan ang pag-ibig parang si Mayweather: yayakapin ka, tapos sasaktan ka…tapos tatakbuhan ka.

Kapag plastic, basura kaagad? Hindi ba puwedeng IKAW muna ‘yun?

Ang ‘hugot lines’ ay parang bala; hindi para sa iyo, pero tinatamaan ka.

Sources: Tweeter, Facebook, Pinterest

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARBIE DOLL

FACEBOOK

HINDI

HUWAG

ICE COLD BEER AVAILABLE

KAIBIGAN

KAPAG

LAHAT

MINSAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with