^

Punto Mo

Mga nagmamaneho nang lasing, dapat matutukan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kapag sumasapit ang ganitong panahon mataas ang bilang ng mga aksidente sa lansangan.

Eh bakit nga ba?

Kasi nga, panahon ito na kung saan kabi-kabila ang dinadaluhang party at kasayahan ng marami nating mga kababayan.

Sa ganitong mga panahon, hindi halos nararamdaman ang hatinggabi sa maraming mga lansangan. Kasi nga ang mga dinadaluhang kasayahan o okasyon ay umaabot ng madaling araw ang pagdiriwang.

Ang siste, sa mga okasyon ito, madalas nandoon ang inuman.

Marami ang nakakalimot at walang kontrol sa pag-inom ng mga nakalalasing na inumin kahit alam nilang may dala silang sasakyan na kanilang mamanehohin sa kanilang pag-uwi.

Yan ang sanhi o dahilan sa maraming aksidente sa daan.

Dahil sa sobrang kalasingan, idagdag pa ang pagkaantok kaya nawawala sa pokus ang pagmamaneho at nasasangkot sa mga aksidente sa daan.

Siguro dapat hanggang gabi o hanggang madaling araw na rin dapat tumutok ang mga awtoridad sa mga lansangan, para mabantayan ang mga nagmamaneho ng lasing at maagapan na sila ay maaksidente o makaaksidente.

Kaya nga lang ang problema yata hanggang sa ngayon, wala pa ring nagagamit na breath analyzer ang mga  awtoridad, kaya hindi ma-check ang mga driver na nakainom habang nagmamaneho.

Sana naman ay maging responsable na rin ang  ating mga kababayan na kung nakainom eh huwag nang makipagsapalaran na magmaneho para maiwasan ang maraming trahedya sa lansangan.

Sakaling hindi naman kaya ang antok, wag na ring makipagsapalaran na magmaneho, mas makabubuting  umidlip na muna o palipasin ang nararamdamang antok.

Sana naman ay huwag na silang maging pasaway para na rin sa kanilang kaligtasan , gayundin sa iba na maaaring madamay sa daan.

vuukle comment

ANG

DAHIL

KAPAG

KASI

KAYA

LANSANGAN

MARAMI

MGA

SAKALING

SANA

SIGURO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with