^

Punto Mo

Sir Juan (67)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KAPATID ni Sir Juan na nasa Sydney ang tumawag. Mukhang sa boses ni Sir Juan ay mahalaga ang tawag ng kapatid. Bahagya siyang lumayo sa kama na kinahihigaan ni Nectar at saka kinausap ang kapatid.

Habang nakikipag-usap, ay nakikinig naman si Nectar. Pawang “okey” at “yes” ang narinig ni Nectar habang nakikipag-usap si Sir Juan.

Mukhang matatagalan ang pag-uusap ng magkapatid sapagkat may mga binabanggit pang visa at halaga ng pera si Sir Juan. Nakikinig si Nectar pero naiinis siya`sa biglang pagtawag na iyon. Gayunman ay nakinig pa rin siya. May narinig siyang “ibenta” kay Sir Juan. Hindi niya maunawaan ang pinag-uusapan ng dalawa. Baka may ibibentang lupa.

Nang mahalata ni Nectar na tila walang katapusan ang pakikipag-usap ni Sir Juan ay padarag siyang bumangon at dinampot ang shorts at shirt na nakapatong sa kama. Isinuot niya ang mga iyon. Patuloy pa rin si Sir Juan sa pakikipag-usap sa cell phone.

Sa inis ni Nectar ay padabog na lumabas ng kuwarto. Ibinagsak pa niya ang pinto kaya kumalabog. Inis na inis talaga siya dahil nabitin ang gagawin sana nila ni Sir Juan. Malapit na niyang makuha si Sir Juan pero nabulilyaso pa dahil sa pagtawag ng kapatid nito.

Walang kagana-gana si Nectar nang bumalik sa kanilang room. Pawang tulog na ang mga kasama niya sa kuwarto. Nahiga siya at inisip ang ginawa nila ni Sir Juan kanina. Masarap humalik si Sir Juan. Parang halik nang may karanasan na. Baka niloloko lang siya ni Sir Juan na virgin pa ito. May birhen pa kayang malapit nang mag-50?

Hanggang napangiti si Nectar. Hindi pa rin siya susuko. Ngayong natikman na niya ang labi ni Sir Juan, ibang bahagi naman ang pupuntiryahin niya rito. Baka ang nasa ibaba ang atupagin niya. Madali na niyang magagawa iyon dahil mayroon na silang simula ni Sir Juan. Napapasok na niya ito sa bitag at madali na ang kasunod lalo pa’t wala na ang karibal niyang si Mahinhin. Alam niya, si Mahinhin ang ‘‘apple of the eye’’ ni Sir Juan. Halatang malaki ang pagkakursunada nito kay Mahinhin.

Hanggang mapangiti si Nectar sa naisip. Papasukin niya uli si Sir Juan sa kuwarto nito at tatapusin na niya ang laban. Kaila­ngang maangkin na siya ni Sir Juan. Kailangang mangyari na iyon. (Itutuloy)

vuukle comment

ACIRC

ANG

HANGGANG

JUAN

MAHINHIN

MUKHANG

NECTAR

NIYA

PAWANG

SIR

SIR JUAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with